Mukhang hindi pa nga nakakaalis ng bansa ang Queen of All Media na si Kris Aquino para magpagamot sa ibang bansa kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Matatandaang sinabi ni Kris noong Marso 23 na lilipad siya sa ibang bansa pagkatapos ng kanyang Xolair treatment at ilang araw na monitoring sa kanya. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nakakaalis ang aktres.

Nitong Abril 6 ibinahagi ni Darla Sauler sa Instagram post ang kanyang pagbisita kay Kris.

"Missed you SO MUCH @krisaquino, Kuya Josh and Bimb! Ang saya na finally nakabisita na sa’yo. Love you guys so much! And tuloy-tuloy lang ako sa dasal for your health Krisy. See you again soon," saad niya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sey pa ni Darla, halos tatlong taon silang hindi nakita ni Kris pero halos araw-araw daw silang magkausap, "Halos 3 years kaming di nagkita ng personal ni Krisy, pero halos araw-araw naman kaming magkausap. Ganun talaga pag yung ka-trabaho mo, nagtitiwala sa’yo at tinatrato kang kaibigan… eventually magiging pamilya talaga kayo."

"Kaya nakaka-emo to see Kuya and lalo na si Bimb na literal kong nasubaybayan ang paglaki," sey pa niya.

"Thank you Lord kasi lahat halos ng hosts na nakatrabaho ko before, hanggang ngayon bahagi pa rin ng buhay ko. Kasi may tiwala, pagmamahal at respeto lagi sa puso."

Naging malapit na magkaibigan sina Darla at Kris. Si Darla ang head writer ng talk show ni Kris noon na "Kris TV."

Kamakailan ay binisita rin ni Angel Locsin si Kris. Ibinahagi rin niya ito sa kanyang Instagram noong Marso 29. 

"Checking up on this one," saad ni Angel sa caption.

Ang Queen of All Media ay na-diagnose na may erosive gastritis at gastric ulcer.

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/03/16/ano-ang-erosive-gastritis-gastric-ulcer-alamin-ang-mga-sintomas-nito-at-paano-ito-maiiwasan/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/16/ano-ang-erosive-gastritis-gastric-ulcer-alamin-ang-mga-sintomas-nito-at-paano-ito-maiiwasan/