Parehong nakatakdang ganapin bukas, Sabado, Abril 9, ang magkahiwalay na grand rallies ng UniTeam at Leni-Kiko tandem sa Leyte, at Pampanga, ayon sa pagkakasunod-sunod. Ilang kilalang celebrities naman ang inaasahang present sa parehong kampanya.

Inaasahang mapupuno ng UniTeam tandem nina Presidential candidate Bongbong Marcos Jr. at running mate nitong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang Grandstand sa Tacloban City, bukas, Sabado.

Kilalang baluwarte ng pamilyang Marcos ang isla ng Leyte kung saan nagmula ang dating First Lady na si Imelda Marcos.

Ayon sa listahan ng mga performers, star-studded ang grand campaign rally para sa show of force ng mga tagasuporta ng mga Waraynon sa BBM-Sara.

Kabilang sa mga magpe-perform sina Toni Gonzaga, Andrew E, Renz Verano, Anton Diva, Bayani Agbayani, Karla Estrada, Rodjun Cruz, Plethora, Salbakuta, Siakol, Dukas band, Beverly Salvejo at The Fridays and ILT band.

Samantala, inanunsyo na ng Traffic Operation Management Enforcement and Control Office (Tomeco) ng Taclovab ang pagsasara ng ilang mga kalsadang ito para sa nasabing political event:

1. Corner Avenida Veteranos - Salazar St (patungong Eastern Visayas State University)

2. Corner Avenida Veteranos - Paterno St (patungong Leyte Normal University)

3. Corner Avenida Vetaranos - Juan Luna St

4. Real - Indepencia St.

5. Utap -Sampaguita- Apitong road (Pinapayuhan ang mga motorista na bagtasin na lang ang El Reposo)

6. Athletic Road

Pupunuin din ng mga maningning na celebrities ang tinawag na "Malakaran: Pampanga People’s Rally" nina Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo at running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan sa San Fernando, Pampanga.

Kasama sa mga showbiz personalities na kasama sa rally sina Nadine Lustre, Jona, Sam Concepcion, Gab Valenciano, The Company, Bukas Palad Music Ministry, at ang mga bandang Mayonnaise, The Itchyworms at Rivermaya.

Magsisilbing hosts naman sa parehong event sina Jolina Magdangal, Nikki Vladez, K-Brosas, Pepe Herrera, Alex Calleja, Elijah Canlas, Kokoy De Santos, Miles Ocampo, Mela Habijan, Miles Ocampo, Mama Loi at Ogie Diaz.

Sa Robinsons Starmills, San Fernando Pampanga nakatakdang ilunsad ang star-studded rally ng Leni-Kiko tandem.