Humihingi ngayon ng tulong si presidential aspirant at labor Leader Ka Leody de Guzman na i-report ang mga Facebook pages na nagsasabing sinusuportahan siya ngunit ito pala ay naninira ng mga kandidato sa pagka-pangulo maliban umano sa isa.
Sinabi ni de Guzman, napansin ng kanyang campaign team at volunteers ang pagsulpot ng mga umano'y pekeng Facebook pages na nagkukunwaring mga volunteers niya.
Natuklasan nila na ginagamit ang mga pekeng pages para siraan ang ilan sa mga presidential candidates, maliban sa isa.
"Matapos ang suriin ay natuklasan natin na ginagamit ang mga FB pages na ito para siraan ang Ilan sa mga kandidato sa pagka-presidente, liban sa isa. Malinaw na ito’y pinatatakbo ng mga online trolls dahil iisang network silang nagshe-share ng mga posts nito," saad ni Ka Leody sa kanyang Twitter account nitong Huwebes, Abril 7.
"Nauna na nilang ginamit ang pangalan ko sa pag-agaw ng domain ng ating website, ngayon naman ay wine-weaponize ako para siraan ang iba pang kandidato. Liban pa sa paninira ay rine-redtag ko rin daw ang ibang kandidato," dagdag pa niya.
Matatandaan na kumalat kamakailan ang domain ni de Guzman na kung saan kapag ito'y pinindot napupunta ito sa website ng kanyang kalaban sa pagka-pangulo na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
"Totoo naman na may malalim ngunit prinsipyadong kritisismo ako sa aking mga karibal pero sa antas lamang ito ng kanilang plataporma," anang labor leader.
Sinabi rin ni de Guzman na sumulat na siya sa Facebook Philippines at sa Comelec para sa agarang aksyon laban sa mga pekeng Facebook pages at sa mga umano'y nangre-redtag sa kanya at sa kanyang mga volunteers.
"Hinihingi ko ang tulong ng bawat isa na i-report sa Facebook ang mga iligal at mapanirang FB accounts sa ibaba." https://facebook.com/KaLeodySakalam
https://facebook.com/Ka-Leody-Visayas-Support-803535653077665/…
https://facebook.com/kaleodysupporters/…
https://facebook.com/Ka-Leody-Support-BICOL-139260626125194/…
https://facebook.com/KaLeodyCakesSupport/…
https://facebook.com/Leody-bells-105285648799186/