Umapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mga mananampalataya na gawing makabuluhan ang pagdiriwang ng mga Mahal na Araw sa susunod na linggo sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga banal na gawain sa simbahan.

Ayon kay Palma, isang magandang pagkakataon na muling binuksan ang simbahan para sa mga pagdiriwang sa Mahal na Araw makalipas ang dalawang taong pagbabawal dahil sa COVID-19 pandemic.

“I would encourage people to participate in the celebrations of the church especially the Paschal Triduum instead of going somewhere or to the beach,” pahayag pa ni Abp. Palma, sa panayam sa radyo nitong Huwebes.

Dagdag pa niya, bagamat pagkakataon itong makasama ang pamilya, mas mahalaga aniyang piliin ang pagbubuklod sa pananalangin lalo't hindi pa tuluyang nawala ang banta ang COVID-19.

National

Enrile sa pag-abswelto sa kaniya sa plunder: ‘I knew all along that I will be acquitted’

Batid rin ni Palma na ang pagluwag ng quarantine restrictions sa bansa ay tugon sa mga panalangin ng mamamayan na mapahintulutang mabuksan ang simbahan sa mga religious activities tulad ng pagdiriwang ng banal na misa.

Pinayuhan pa ng Arsobispo ang mga mamamayan na ituon ang sarili sa pakikibahagi sa Mahal na Araw bilang paraan ng pagpapanibago sa pananampalataya at pakikiisa sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoon.

Ikinagalak naman ng arsobispo na muling isasagawa sa Cebu ang mga nakaugaliang tradisyon tuwing Mahal na Araw tulad ng religious processions na isinantabi ng dalawang taon bilang pag-iingat sa virus transmission dahil sa mass gatherings.