‘Walang kupas!’

‘Yan ang reaksyon ng netizens sa pinakahuling social media post ni Miss International 2005 Precious Lara Quigaman sa kanyang social media nitong Miyerkules.

Muling ipinamalas ng beauty queen-turned-actress ang pangmalakasan pa rin nitong pagrampa sa alley ng isang storage center.

Habang naglilinis at nagsasaayos ng mga gamit, nakita ni Lara ang kanyang “antique” nang Miss International sash. Supportive naman ang asawa nitong si Marco Alcaraz na kinuhanan ang wala pa ring kupas na pasarela ng 2005 titleholder.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Naparampa sa hallway ng@storagemartphwhen I found my old Miss International sash 🤍 antique na 🙈😂 at may nakirampa din pala saakin 🤪@tobinalcaraz,” mababasa sa caption ni Lara sa kanyang Instagram post.

Unang-una sa comment section ang proud husband na si Marco na aniya’y favorite beauty queen niya at “parang kakapanalo” lang sa freshness ni Lara.

Inulan naman ng positibong komento ang naturang video sa Tiktok at Instagram ng aktres.

“Pretty pa din 💖.”

“You never lost it, Ms. Lara 😍👑”

“Lara is Lara 🔥🔥🔥...that catwalk🙌🙌🙌👏😍”

“You still got it queen!!! 👏🏻👸🏻😍🔥”

“Parang kahapon lang nanalo! ❤️❤️❤️”

“Walang kupas ang pasarela!”

“Walang kupas ang ganda ❤️🔥”

https://www.tiktok.com/foryou?feed_mode=v1&is_copy_url=1&is_from_webapp=v1&item_id=7083364700980923675&lang=en#/@laraquigaman/video/7083364700980923675

Samantala, mapapansing suot ni Lara ang pink dress bilang pakikiisa sa #pinkwednesday na nauugnay sa kampanya ni Presidential candidate at Vice President Leni Robredo na hayagan niyang sinusuportahan.

Parehong hinangaan ng netizens ang napanatiling istilo ng pagrampa at ganda ni Lara halos labinpitong taon matapos tanghaling Miss International 2005.