Usap-usapan ngayon sa social media ang Facebook post ni Atty. Bruce Rivera matapos niyang ibida na ang kaniyang sinusuportahang kandidato sa pagkapangalawang pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte ay isang beses lamang sumubok kumuha ng Bar exam at pasado kaagad.
"PAALALA"
"Si Inday Sara passed the Bar Exams on her FIRST try and was admitted to the Bar in 2006," saad sa FB post ng abogado, na tagasuporta ng UniTeam, noong Abril 4, 2022."
Subalit ang nakapagpa-trigger sa mga netizen, ay ang parinig umano niyang "Pakitanong sa iba ilang beses sila kumuha ng Bar Exams."

Napa-react dito ang mga netizen at inakusahan ang abogado na ang pinariringgan daw niya ay si presidential candidate at Vice President Leni Robredo.
Agad na pumalag dito si Atty. Rivera at dinepensahan ang kaniyang sarili sa magkakaiba at halos sunod-sunod na FB post.
"Sinabi ko lang na one take si Inday Sara sa Bar, bakit galit ang mga Lenlenista. Hindi daw kalaban ni Sara si Leni. Tinira ko ba ang manok n'yo? Hindi. Kayo ang mahilig tumira kay BBM ng estate tax issue. Tapos, nagsabi lang ako ng educational qualification fact sa VP ko, ako ang namumulitika?? Umayos kayo ha. Pasalamat kayo the UniTeam does not engage in mudslinging and black propaganda. Mas madaming nakatago sa baul n'yo," aniya noong Abril 4, 2022 din.
May ilan ding netizen na nagsabing tila nakaka-offend umano ang kaniyang post sa mga 'multiple-takers' o sa mga ilang beses nagsulit para makapasa, hindi lamang daw sa Bar kundi sa iba pang licensure exam ng ibang propesyon.
Kaagad na dumepensa rito ang abogado.
"Bakit kayo ma-ooffend kung sasabihin ko na first take sa Bar? Tumatakbo ba kayong VP? Sinabi ko bang masama ang second or third taker? Sinabi ko ba na mas magaling ang first taker? Please lang. Huwag kayo magpahalata sa mga personal issues n'yo. Andaming di nakapasa ng Bar na matalino at successful. At sa election, we select the best candidate. And ang totoo, mahirap maging abogado on their first try. And that is an achievement for any person na dapat sabihin. Kaysa manira ng iba, sinasabi namin ang maganda sa manok namin."
Nag-react din siya sa kumakalat na screengrab ng Facebook post ng Bar top notcher umano na ka-batch ni Inday Sara na si 'Joan De Venecia-Fabul' na nagbigay naman ng saloobin tungkol sa isyu.
"Batchmate ko si Inday Sara sa Bar exam. By the same logic - since I topped the Bar, mas magaling ba ako sa kanya? No, never claimed so, never will," aniya noong Abril 4 din.
"I dislike this idea of hierarchy among lawyers. We all passed the Bar, we are all officers of the court and IBP members in good standing."
"What matters at the end of the day is our integrity and fealty to the rule of law. By the way, Bruce Rivera, why are you comparing VP Leni to Sara eh di naman sila magkalaban? Compare natin ang educational attainment ng Presidentiables, shall we?"
Bumwelta naman si Atty. Rivera sa pamamagitan ng FB post.
"Doon sa Bar Top notcher na supporter ni Leni. Bongga ka. Bragging rights mo 'yan. And pwede mo gamitin yan when you want to run for President. And hindi masasaktan kaming mga lesser mortals dahil totoo naman. Still, sad truth remains, why are you triggered sa post ko?"
Sa mga sumunod na FB post ni Atty. Rivera ay patuloy pa rin niyang iginiit na hindi niya pinatatamaan si VP Leni, kundi ipinagmamalaki lamang niya ang credentials nina BBM at Sara Duterte bilang mga manok niya sa nalalapit na halalan.
"You can convince yourself that you are gaining momentum. We will just convince ourselvelves that our candidates are the most qualified. Sa May 9 na lang tayo magsukatan," aniya.
"Last time I checked, VP candidate si Inday Sara at Pres. naman si Leni. So, bakit iniisyu ninyo ang post ko about Sara being a one timer and asking kung ilang beses ang iba? It was directed to the other VP candidates. Stay in your lane. Simplify your issues. Si BBM ang katapat ni Leni. Yes, the one you said na hindi nakatapos sa Oxford at walang diploma."
"So please explain to me why many of you are triggered by a post that was never applicable to your president. Kasi your VP is also a lawyer and perhaps so chances are sa kanya relevant yung question ko. Or baka gusto niyo lang talaga ng isyu at naghahanap kayo ng ma-aaway. I assure you, huwag ako," dagdag pa niya sa isa pang FB post.
Nagyong Miyerkules, Abril 6, muli niyang inilatag ang credentials nina BBM-Sara, at muli niyang dinepensahan ang kaniyang paninindigan kung bakit ang dalawa ang nararapat na mahalal at suportahan sa Mayo 9.
"These are my candidates. Hindi ko sasabihin na matalino or magaling sila kasi it should be a conclusion drawn by the voters as they see from the words and actions of the candidates. I am just presenting their resume on paper. This is what the campaign should be, i.e., showcasing the qualifications of each candidate, answering questions from the voters and presenting their platforms of government."
"There is really no need to point out the shortcomings of the other candidates but showcasing your own without fear of being cancelled out by the insecurity of losers."
"This is the essence of an election campaign. Convincing the electorate of your own light and not dimming the lights of others when it blinds you."
"In the end, we should elect who shines the brightest and not who remains flickering amidst the darkness of mudslinging."
Samantala, naglabas ulit ng FB post ang Bar topnotcher na batchmate ni Inday Sara. Nagbigay rin siya ng mensahe para sa mga Bar takers.
"Lalabas na ang Bar results next week."
Dear Bar takers: please know that whatever the results may be, you have already shown great courage and strength in finishing the arduous test-taking process, despite all the uncertainty and anxiety the pandemic has wrought. If by some twist of fate you do not make it this time, take a pause, a break, then go at it again."
"Just continue fighting for your dreams, and be assured that we, your future compañero/as, will be eagerly awaiting you on the other side. Until then, you remain whole; you remain you."