Higit isang buwan bago ang botohan sa Mayo, mukhang nag-relax muna ang asawa ni Presidential hopeful Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao. Kasama si Mommy Dionisia, makikita ang dalawa sa isang luxury store nitong Martes, Abril 5.

Time-up muna sa pangangampanya ang asawa ni People’s Champ at mukhang nag-relax pa ito kasama ang in laws na si Mommy D.

Sa isang Instagram post, makikita ang dalawa na magkasa sa isang luxury store. Tila pagbili ng mamahaling gamit ang love language ni Jinkee.

“Bonding sa mi ni Mommy D. ✨😍🤍” mababasa sa caption ni Jinkee.

Ilang malalapit na kaibigan naman ang nagkomento sa moment ng mag-ina.

“Hellooo, Mommy D!! [emoji]” komento ng matalik na kaibigan ni Jinkee na si Ruffa Gutierrez.

“Mommy D! Good to see you,” saad naman ni ABS-CBN Sports Reporter na si Dyan Castillejo.

Basahin: Jinkee, nag-react sa ideyang ‘Ambassador of Arts and Fashion’ sakaling maging first lady – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa kanyang panayam kay Boy Abunda kamakailan, inamin ng misis ni Pacquiao na bago pa ang tinatamasang marangyang buhay, hilig na noon ni Jinkee ang pagbili ng bagong damit.

Sa mga serye ng kampanya ng asawa, makikitang all-out at hands-on naman si Jinkee para ipakita ang suporta sa kandidatura pagkapangulo ni Pacquiao.

Basahin: Pacquiao sa suporta ng misis na si Jinkee: ‘Lahat ng pagsubok kaya nating harapin’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid