Usapan-usapan ngayon sa pageant community ang umano’y pagbabalik ng Miss Universe Philippines 2021 runner-ups na sina Steffi Rose Aberasturi at Maureen Wroblewitz sa isa pang national pageant.

Sa isang Facebook post ng pageant page na Pageanthology 101 nitong Lunes, Abril 4, usap-usapan ang umano’y pagbabalik sa pageant spotlight ni Asia’s Next Top Model Cycle 5 Winner at Miss Universe Philippines 2021 First Runner-Up Maureen Wroblewitz.

Nitong huling linggo ng Marso, makikita pa ang pagbabalik-tanaw ni Maureen sa kanyang naging MUP journey, at kauna-unahang national pageant.

“This is not an announcement, just a throwback 😂 Time flies 😢 but I’m so excited for this years@themissuniverseph✨” mababasa sa caption ng beauty queen.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ilang fans naman ang mapapansing muling hinihikayat ang Pangasinense queen na sumabak muli sa mundo ng pageantry.

Parehong Pageanthology 101 ang naglabas ng ulat nitong Martes, Abril 5 kaugnay ng umano’y muling pagsabak ni MUP 2021 Second Runner-Up Steffi Rose Aberasturi.

Lalong umugong ang usapin matapos makita ang ang Instagram story ng stylist na si Josei Cuision, kung saan mababasa ang salitang “ALL-SET” sa putol na larawan ni Steffi suot ang isang blue gown.

Bagaman una nang nagpaalam sa kanyang pageant journey, teyorya ng fans ngayon, muling sasabak ang Cebuana beauty queen sa edisyon ng Binibining Pilipinas o Miss World ngayong taon.

Una nang napabalita ang engagement ng Pinay pageant veteran sa kanyang non-showbiz partner.

Basahin: Steffi Rose Aberasturi, engaged na; kanyang pageant journey, magtatapos na rin ba? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, parehong nang nag-anunsyo ang Miss World at Binibining Pilipinas para sa mga aspiring queens ngayong taon.

Sa pag-uulat, wala pang kumpirmasyon sa parehong beauty queens ang mga usap-usapan ito ng pageant community. Ilang fans naman ang nagpahayag na ng excitement sa maaaring muling pagtatapat ng dalawang pinay queens.