Tila wapakels na ang dating Pinoy Big Brother housemate at miyembro ng 'GirlTrendz' na si Dawn Chang sa kaliwa't kanang kritisismo na natatanggap niya, na mas lalong lumutang nang magpahayag siya ng pagkadismaya kay dating PBB main host Toni Gonzaga nang magpahayag ito ng pagsuporta sa UniTeam. Sa katunayan, naging host pa ito ng proclamation rally sa Philippine Arena, at kinabukasan nga ay naganap na ang pagbibitiw sa reality show.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/10/dating-pbb-housemate-dawn-chang-nainsulto-imbyerna-kay-toni/">https://balita.net.ph/2022/02/10/dating-pbb-housemate-dawn-chang-nainsulto-imbyerna-kay-toni/

Nadagdagan pa ito nang magkairingan sila ng showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/11/cristy-fermin-may-banat-kay-dawn-chang-wala-kang-mararating-kung-hindi-ka-nakikipag-landian-sa-mga-boss/">https://balita.net.ph/2022/02/11/cristy-fermin-may-banat-kay-dawn-chang-wala-kang-mararating-kung-hindi-ka-nakikipag-landian-sa-mga-boss/

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hanggang ngayon, wala pang update kung ano na ang hakbang ng kani-kanilang mga kanto. Pareho silang hindi nag-isyu ng public apology sa itinakdang petsa at oras na ibinigay nila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/20/kampo-nina-cristy-dawn-parehong-wala-pang-public-apology-anong-susunod-na-ganap/">https://balita.net.ph/2022/02/20/kampo-nina-cristy-dawn-parehong-wala-pang-public-apology-anong-susunod-na-ganap/

Nitong Marso 30 ay nagpakawala ulit ng tweet si Dawn na umani ng iba't ibang komento mula sa mga netizen.

Aniya, "I always wanted a balanced life… So sometimes I’m a beauty, sometimes a beast. Hahaha."

Screengrab mula sa Twitter/Dawn Chang

Image
Screengrab mula sa Twitter/Dawn Chang

Narito ang ilan sa mga komento at reaksyon ng mga netizen:

"Go Dawn! Beauty and the beast!"

"Spread love, manang. Let go of the hate."

"Ganda. You are titanium."

"Beautiful Dawn."

"For survival… yeah you need that."

"Ikaw na ang pasikat para magka-career."

"Depende sa kaharap mo. Stay beautiful!"

Tuloy-tuloy rin si Dawn sa pagpapakita ng pagsuporta kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo kahit na masama ang panahon, dahil kasama siya bilang performer sa sortie ng Leni-Kiko tandem sa lalawigan ng Rizal, ngayong Abril 5, 2022 sa Rizal Provincial Capitol Grounds.

Ipinakita ni Dawn sa tweet ang ID ng pagiging perfomer niya sa naturang Rizal Grand Rally na may pamagat na 'Leniwanag ang Silangan'.

Screengrab mula sa Twitter/Dawn Chang

"Hello Rizal! Handa na ba kayo? #RizalisPink," sey niya sa caption.