Mukhang kagaya ng ilang magkarelasyon, hindi nagkakasundo sa sinusuportahang kandidato sa pagka-pangulo ang mag-jowang sina Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista.

Kilalang loyal ng UniTeam tandem si Herbert “Bistek” Bautista na tumatakbo bilang senador sa botohan sa Mayo.

Sa ilang serye ng kampanya sa iba’t ibang bahagi sa bansa, mapapansin ang attendance ni Herbert sa mga campaign rally nina Presidential aspirant Bongbong Marcos at running mate nitong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Samantala, kagaya ng kanyang inang si Annabelle Rama, hayagan na rin ang pangangampanya ng jowa ni Bistek na si Ruffa sa kandidatura ni Presidential aspirant Manny Pacquiao.

Basahin: Confirmed! Ruffa Gutierrez, flinex ang jowang si Bistek; aprub kaya ni Tita Anabelle? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa ibinahaging larawan kamakailan na ibinahagi ng kapwa aktres at komedyanang si Rufa Mae Quinto, naisapatan si Ruffa G kasama ang mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao sa isang campaign sortie sa Iloilo.

Larawan mula Instagram ni Rufa Mae Quinto

Dagdag na kumpirmasyon ang paggamit ni Ruffa G ng #TeamPaquaio at #MPforPresident2022 sa kanyang social media post.

Mapapansin din ang puspusang pangangampanya ng kanyang inang si Annabelle sa Instagram kung saan halos masakop na ng mga larawan, at bidyo ng kampanya ni Pacquaio ang serye ng IG posts ng celebrity mom.

Makikita rin ang ilang interaksyon ng pamilya ni Pacquaio at Ruffa G sa Instagram. Mababasang nagkomento pa ang aktres sa naging bonding nina Mommy D at Jinkee nitong Martes, Abril 5.

Basahin: Time-out muna sa kampanya? Jinkee, Mommy D, nag-bonding sa isang luxury store – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid