Masayang-masaya ang showbiz columnist na si Ogie Diaz nang sa kauna-unahang pagkakataon ay mapagbigyan siya ng isang panayam ni 'real-life Darna' Angel Locsin, na umere sa kaniyang award-winning vlog na 'Ogie Diaz Inspires'.

Unang inuntag ni Ogie ang buhay may-asawa ng aktres. yon kay Angel, enjoy siya sa buhay ngayon sa piling ng mister na si Neil Arce, at wala pa silang balak na magkaroon ng anak dahil sa problema rin ni Angel sa kaniyang thyroid gland, na tinatawag na 'Hashimoto disease'.

"Pag okay na siya, saka palang mag-baby," sabi ni Angel.

Marami pa raw silang gusting i-explore ni Neil bilang mag-asawa subalit napurnada dahil sa pandemya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Hindi naman daw siya nakakaramdam ng pressure sa mga kaibigang sina Dimples Romana at Angelica Panganiban na parehong nagdadalantao ngayon.

Pero kung sakaling magkaka-baby, palagay niya ang magiging hands-on din siya sa pag-aalaga rito, kagaya ng kaibigang si Anne Curtis, na hanggang ngayon ay urong-sulong sa muling pagbabalik sa noontime show na 'It's Showtime'.

"Pag nagkaroon ako ng anak, gusto ko rin hands-on mom ako," sey ni Angel.

Sa araw-araw daw na pagsasama nila ay mas natutuklasan daw nila ang mga katangian ng isa't isa. Sa kanilang dalawa ni Neil, mas masarap daw magluto ang mister, dahil may mga negosyo itong restaurant, kaya hindi isyu sa kanila kung sino ba ang magluluto.

Ikinasal sina Angel at Neil sa isang simpleng civil wedding noong Hulyo 26, 2021, subalit ibinunyag lamang nila ito sa publiko noong Agosto 7, 2021.

Wala rin umanong naganap na palitan ng wedding vows dahil gusto nila itong ireserba sa aktwal na church wedding, na hindi pa naibabahagi sa publiko kung kailan.