Kasunod ng natamong pambabatikos sa social media kaugnay ng kanyang weight gain, ibinulgar ni Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu ang kanyang laban sa isang uri ng food allergy.

Hindi nakaligtas si Harnaaz at naging target nga ng body-shaming noong Marso matapos umanong tumaba tatlong buwan matapos makoronahan.

Nitong Linggo, Abril 3, isiniwalat ng reigning queen, sa kauna-unahang pagkakataon, ang dahilan ng kanyang weight gain.

Trending

Proud mom na ‘umawra, rumampa’ sa graduation ng anak, dinagsa ng tulong!

https://twitter.com/HarnaazKaur/status/1510604247318298636

“Around 10-30% of the global population suffer from food allergies. I am having gluten allergy that is common and relatable to a major proportion of people worldwide which is manageable by just eliminating a few food groups from the diet,” paliwanag ni Harnaaz.

Paliwanag ng isang health website, ang gluten allergy o karaniwang tinatawag na celiac disease ay isang serious autoimmune disorder kung saan ang tanging treatment lang sa ngayon ay ang pag-iwas sa mga gluten-containing foods.

“When you have celiac disease and consumegluten(a protein found in the grains wheat, barley, and rye), the gluten triggers your immune system to attack the lining of your small intestine, eventually eating away that lining in a process known asvillous atrophy. The condition often causes symptoms in your digestive system but can affect other parts of your body, too,” dagdag na paliwanag ng website.

Samantala, nagpasalamat naman si Harnaaz sa Miss Universe Organization sa pag-unawa nito sa kanyang kalagayan.

Basahin: Harnaaz Sandhu, pinuntirya ng body-shamers; Cat, tumalak sa walang ambag na bashers – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kamakailan ay muling nagbalik sa bansang India si Harnaaz.

Isang powerful tweet naman ang ibinahagi ng reigning queen nitong Linggo.

https://twitter.com/HarnaazKaur/status/1510481979296210946