Lahat ng senior citizen sa Quezon City ay makakakuha ng libreng buwanang maintenance medicines sa pamamagitan ng Senior Citizen Maintenance Medicine Program ng lungsod.

Ang mga libreng maintenance na gamot ay para sa hypertension, diabetes, at may mataas na kolesterol.

Sa ilalim ng programa, ang bawat indigent senior citizen na may nasabing medical condition ay tatanggap ng mga gamot kabilang ang Losartan (50mg/tab), Amlodipine (5mg/tab), Metformin (500mg/tab), at Simvastatin (20mg/tab).

Ang libreng programa sa gamot ay batay sa City Ordinance No. SP-2892 na ipinasa noong Disyembre 2019.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

“Sa pamamagitan ng programang ito, tutuldukan na natin ‘yung matagal nang suliranin ng mga mahihirap nating mamamayan, lalo na ng mga senior citizen, na walang pambili ng gamot pang-maintenance,” ani Mary Joy Belmonte.

“Sinisikap ng pamahalaang lungsod na maging accessible para sa lahat ang dekalidad na serbisyong medikal,” dagdag niya.

Ang mga senior citizen na gustong mag-avail ng gamot ay kailangang magparehistro sa kanilang pinakamalapit na health center para ipakita ang kanilang QC ID o ang kanilang existing Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) ID.

Ang mga nakatatanda ay sasailalim sa physical exam at magpa-check up ng itinalagang doktor sa health center. Bibigyan din sila ng reseta (kung wala sila) at tatanggap ng mga gamot.

Maaaring i-claim ng mga senior ang kanilang buwanang supply ng mga gamot tuwing unang Martes ng buwan, na idineklara bilang Senior Citizens Day sa lahat ng 65 health centers ng QC.

Allysa Rivera