Magpapatayo si Senator Manny Pacquiao ng malaking kulungan na gagamitin sa mga corrupt na opisyal ng pamahalaan sakaling manalo ito sa pagka-pangulo.
“Subukan lang nila ako ng anim na taon. Makikita nila na 'yung ipagagawa kong mega prison mapupuno 'yun. Tama na ang paghihirap na ang sambayanang Pilipino. Tama na paghihirap ng mga kasama ko kung saan ako nanggaling," pagdidiin ng senador sa ikinasang presidential debate sa Sofitel Plaza, Pasay City nitong Linggo ng gabi.
Isusulong din aniya nito ang full automatic sa burukrasya upang mawala na ang mga fixers.
Malaking tulong din aniya ang liderato at political will upang masugpo ang korapsyon at sinabing ang pagpaparusa ay isa sa paraan upang mabawasan ang katiwalian sa gobyerno.
“Sa akin,no automation, no operationpara walangcommissionisa na 'yan at kinakailangan talaga dito 'yung tinatawag natinleadershipatpolitical willmagkasama 'yan. Dahil ang gusto ko 'yung mga nagnanakaw makita sa kulungan kaya dumadami ang magnanakaw dahil walang nakukulong. Imposible na mabawasan 'yung magnanakaw kung wala naman nakukulong pero kung nagnakaw at pinakulong pa kaagad wala ng maghahangad pa ng magnakaw o maglakas loob na magnakaw," banggit nito.
PNA