Siyam sa 10 kandidato sa pagkapangulo ang nagharap-harap sa pangalawang debateng inorganisa ng Commission on Elections (Comelec) noong Linggo, Abril 3, 2022, na ginanap sa Sofitel Harbor Garden Tent at sabay-sabay na napanood sa mga partner media outlet at live streaming.

Ang mga kumasa sa debate ay sina Dr. Jose Montemayor Jr., negosyanteng si Faisal Mangondato, Senator Panfilo Lacson, dating national security adviser Norberto Gonzales, dating presidential spokesperson Ernesto Abella, Manila City Mayor Francisco Domagoso, Vice President Leni Robredo, Senator Manny Pacquiao, at labor leader Ka Leody De Guzman.

Tila may pinatutsadahan naman si Ka Leody sa kaniyang tweet matapos ang Comelec debate. Ibinahagi niya ang litrato nilang siyam na kandidato.

"Paki-photoshop na lang po yung absent hehe," aniya.

Screengrab mula sa Twitter/Ka Leody De Guzman

Samantala, may isang netizen naman na talagang nag-photoshop at inilagay ang litrato ni presidential candidate Bongbong Marcos, Jr. BBM.

Screengrab mula sa Twitter/Ka Leody De Guzman

Sa kaniyang Facebook post, nagpasalamat siya sa Comelec sa pagkakataong naibigay sa kanila upang mailahad ang kanilang mga intensyon para sa bayan.

"Sa pagtatapos ng 2nd Comelec-sponsored presidential debate, nagpapasalamat akong muli sa pagkakataong makapagpalinaw sa kalagayan at mga kahilingan ng manggagawa't mamamayan."

"Muli nating ipinapahayag ang isa sa mga elektoral na reporma na ating isinusulong. Ang pagpapakilala sa kandidato't plataporma ay dapat pangunahing nakasentralisa sa Comelec. Ito ay upang mabawasan ang impluwensya ng Big Business na nagpipinansya sa kampanya ng mga elitistang kandidato, na isa sa mga dahilan kung bakit ang gobyerno ay nagsisilbi sa mga bilyonaryo, imbes na sa taumbayan.

Screengrab mula sa FB/Ka Leody De Guzman

"People before profit." ani Ka Leody.