Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Lunes, Abril 4, na inatasan nito ang mga employer na magbigay ng double pay para sa mga manggagawa na magbibigay ng serbisyo sa idineklarang regular holidays ngayong buwan.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang mga manggagawa na magre-report sa trabaho sa regular holidays, Abril 9, 14, at 15, ay may karapatang tumanggap ng dalawang beses sa kanilang pang-araw-araw na sahod, gaya ng nakasaad sa ilalim ng Labor Advisory No.

Ipinaliwanag ni Bello na ang mga empleyadong hindi nagtrabaho sa regular holidays (Abril 9, 14, at 15) ay tatanggap pa rin ng 100 porsiyento ng kanilang suweldo, habang ang mga nagbigay ng kanilang serbisyo sa nasabing mga petsa ay tatanggap ng 200 porsiyento ng kanilang regular na suweldo.

“They should be paid an additional 30 percent of the hourly rate for working overtime. Moreover, employees working on a regular holiday and days off should receive another 30 percent of their hourly rate of 200 percent and an additional 30 percent if they work overtime,” ani Bello.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Gayunpaman, sa Abril 16, isang special non-working day, sinabi ni Bello na dapat ilapat ang “no work, no pay”.

Ang mga empleyadong nagbibigay ng serbisyo sa isang special day ay dapat makatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanilang pangunahing sahod sa unang walong oras ng trabaho. Para sa overtime na trabaho, ang mga empleyado ay dapat makatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanilang oras-oras na rate.

Sa kabilang banda, ang mga manggagawang nagbibigay ng mga serbisyo sa kanilang day off, na isang espesyal na araw, ay dapat makatanggap ng karagdagang 50 porsiyento sa kanilang pangunahing sahod para sa unang walong oras ng kanilang trabaho. Dagdag na 30 porsiyento ang idadagdag kung sila ay mag-overtime, sabi ng DOLE.

Faith Argosino