Nangako sina Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso at Senator Manny Pacquiao na bibigyan ng pagkakataon si Senator Leila de Lima na maipagtanggol ang sarili sa hukuman habang si labor leader Leody de Guzman ay nangakong pakakawalan niya ang senador kung mananalo sila bilang pangulo ng Pilipinas sa May 9 National elections.

Ito ang reaksyon ng tatlong presidentiables sa panawagan ngAmnesty International at Human Rights Watch Philippines na dapat ay pakawalan na si De Lima sakaling mahalal ang mga ito.

"Senator Leila de Lima deserves to have a day in court and ma-practice niya 'yung kanyangkarapatan.Lahat ng uri ng pagtatanggol sa sarili, dapat magamit ni Senator Leila de Lima. And I guarantee you, Senator Leila de Lima, under my watch, she will have it," pahayag ni Domagoso nang sumalang sa ikalawang presidential debate na ikinasa ngCommission on Elections (Comelec).

Naniniwala naman si Pacquiao na dapat na mabigyan ng"due process" si De Lima.

"Pero mahirap naman po 'yun kung hindi natin ida-daan sa due process, parang hindi natin nirerespeto 'yung Constitution natin.Pabilisin 'yung trial para makalabas na siya kung wala siyang kasalanan. Kung may kasalanan siya eh 'dimahahatulansiya. 'Yun po ang kailangan natin, due process, pabilisin," banggit nito.

Sa panig naman ni De Guzman, dapat na mapakawalanang senador dahil ang pagpapakulong sa kanya ay bilang ganti lamang niPangulong Rodrigo Duterte sa pag-iimbestiga sa "death squad" killings sa Davao City.

"Dapat palayain si Senador De Lima. Ang nangyaring pagpapakulong sa kanya ay bengansya ni Duterte dahil sa kanyang ginawang pag-iimbestiga sa Davao. At 'yan ang isang katangian ng ating pangulo ngayon, na pagka -bumabatikos sa kanya,kanyangipinakukulong o kanyangtitirahin,"pahabol pa ni De Guzman.

Nakakulong pa rin si De Lima sa Custodial Center sa Camp Crame simula Pebrero 2017 dahil umano sa pagkakasangkot sa bentahan ng iligal na droga sa loob ng National Bilibid Prison.