Nanatiling trending topic sa Twitter ang “You Betrayed Me,” linya sa kantang “Traitor” ni Olivia Rodrigo na ngayo’y sigaw ng Army matapos “makipagharutan” ni BTS Kim Tae-hyung sa Filipina-American pop star sa naganap na 2022 Grammys.

Hindi pa rin makaget-over ang ARMY sa hindi inaasahang intimate na interaksyon ni Tae-hyung o BTS V kay Olivia Rodrigo sa Grammy Awards.

Bago mag-perform ang South Korean band ng kanilang 2021 hit na Butter, isang skit ang ikinawindang ng music fans nang makitang intimate na nakipag-usap on live screen si V sa teen star.

Lalo pang naloka ang Army sa pagbulong ng global heartthrob dahilan para namang mapanganga sa kanyang reaksyon si Olivia.

Trending

Proud mom na ‘umawra, rumampa’ sa graduation ng anak, dinagsa ng tulong!

Hindi naman nakumpirma kung ganap bang planado ang skit o kung alam ni Olivia ang pakulong ito ni V.

Samantala, agad na sumabog ang iba’t ibang social media platforms nang magpahayag ng reaksyon ang BTS Army, fandom ng South Korean powerhouse.

https://twitter.com/kkukstudio/status/1510776805803929600

https://twitter.com/muffinjayyy/status/1510790552765100032

https://twitter.com/ios97jk/status/1510783828595716098

https://twitter.com/ninasthetics/status/1510781260792483840

https://twitter.com/jeongjjk_1997/status/1510779386890313733

https://twitter.com/urbinibini1/status/1510780475807514624

https://twitter.com/weird_weeb_army

Muli na namang nabigo ang BTS sa kanilang entry para sa Best Pop Duo/Group Performance category ngayong taon. Tinalo ng "Kiss Me More" ni Doja Cat feat SZA ang 2021 hit track ng BTS na "Butter." Sa parehong kategorya rin nabigo ang "Dynamite" ng banda noong 2021 kung saan nanalo ang Rain On Me ni Lady Gaga at Ariana Grande.

Tatlong kategorya naman ang naiuwi ni Olivia kabilang ang Best New Artist, Pop Vocal Album para sa kanyang chart-topping debut na "Sour," at Pop Solo Performance para sa kanyang 2020 megahit na "driver's license."