Pasabog agad ang unang leg ng #ThreelogyUSTour nina Morissette Amon, Erik Santos at Christian Bautista matapos sorpresang maka-duet ng Asia’s Phoenix ang sikat na British singer-songwriter na si Jamie Miller.

Bago nito, umusbong ang interaction ng dalawang kilalang artists matapos mag-viral ang TikTok duet ni Morissette sa kantang “Here’s Your Perfect” ni Jamie, na sinegundahan pa nito ng reaction video ng American sing sa parehong social media platfrom

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

Una nang nagkaroon ng virtual collaboration si Morrissette at Jamie noong 2021 kung saan nagduet ang dalawa para sa isang production number sa Sunday noontime musical show na ASAP Natin ‘To.

Nitong Biyernes, Abril 1, espesyal na surprise guest si Jamie sa unang leg ng #ThreelogyUSTour sa Anaheim kung saan sa unang pagkakataon, sa isang live stage nagsama sina Morrissette at Jamie para muling awitin ang hit track na “Here’s Your Perfect.”

Hindi naman napigilan ang hiyawan ng mga concert goers na parehong humanga sa galing ng dalawa, lalo na sa “humility” ni Morissette kung saan makikita ang Kapamilya singer na napaupo na lang sa galing ni Jamie sa pagtatapos ng kanilang duet prod.

Samantala, ibinunyag naman ni Jamie ang posibleng pagbisita niya sa Pilipinas para sa isang concert.

Ang Anaheim leg ang pinakauna sa anim na bibisitahin ng #ThreelogyUSTour mula Abril 1-16.

Larawan mula Facebook page ni Morissette Amon