Trending sa Twitter ang tinaguriang 'real-life Darna' na si Angel Locsin matapos magsadya sa Marawi City, Lanao Del Sur, at matapos ay nagtungo naman sa Cagayan De Oro City upang tumulong sa pagsasagawa ng pagbabahay-bahay o house-to-house campaign, upang ikampanya ang Leni-Kiko tandem.

Noong Abril 1, ibinahagi ni Angel sa kaniyang Instagram post na nagtungo siya sa Marawi City, kung saan, isa rin siya sa mga hands-on na nagpaabot ng tulong dito, simula nang maganap ang Marawi siege noong 2017.

"Good morning Marawi!" saad ni Angel sa kaniyang caption. Nagkomento naman dito ang isa sa mga anak ni VP Leni na si Aika Robredo.

National

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Davao de Oro

Screengrab mula sa IG/Angel Locsin

Sa isa pang IG post, sinabi ni Angel na priyoridad umano ang mga taga-Marawi at binati sila ng 'Happy Ramadan' at 'Eid Mubarak'.

Screengrab mula sa IG/Angel Locsin

Nagtungo rin siya sa 'Angat Buhay Village' ng OVP.

Bago magtungo sa Cagayan De Oro City para sa sortie ng Leni-Kiko tandem, ibinahagi niya ang ilang mga kuhang litrato sa kaniyang pagdalaw sa Marawi.

"Here’s some random Marawi visit pictures. Now off to CDO to meet fellow kakampinks for the kick-off of #TaoTaoParaKayRobredo," aniya.

Screengrab mula sa IG/Angel Locsin

At ngayon ngang Sabado, Abril 2, kasama ang kaniyang asawang si Neil Arce, hinimok nila ang mga dumalo sa sortie na ikampanya sina Leni-Kiko, sa pamamagitan ng pagkausap ng 10 katao sa isang araw.

Angel Locsin at Neil Arce (Larawan mula kay Raymund Antonio/Manila Bulletin)

Ibinahagi rin ng iba't ibang netizen sa Twitter ang mga kuhang litrato nina Angel ar Neil sa kanilang pagbabahay-bahay.

"Big respect to Ms. Angel. Idol na idol siya ng kapatid ko. I now see why. May the Good Lord bless people like you Ms. Angel Locsin. You are a living example of doing public service without entering politics."

"Angel Locsin can live comfortably no matter who the president is. She’s financially secure and has established her career. She can just enjoy married life and not care about all of this and yet she chooses to involve herself and use her voice for good."

"The power Angel Locsin holds is limitless. This is consistent with Pulse Asia survey where she ranked highest among celebs who can convince Filipinos to vote for a certain candidate."

Angel Locsin at Neil Arce (Larawan mula sa Twitter)

Sa umpisa pa lamang, ipinahayag na ni Angel ang pagsuporta niya kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Sa katunayan, si VP Leni lamang daw ang kauna-unahang kandidato sa pagkapangulo na pinakitaan niya ng buong pagsuporta.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/angel-dinurog-ang-isang-basher-na-nagsabing-kaya-niya-iboboto-si-vp-leni-ay-dahil-sa-abs-cbn/">https://balita.net.ph/2022/03/24/angel-dinurog-ang-isang-basher-na-nagsabing-kaya-niya-iboboto-si-vp-leni-ay-dahil-sa-abs-cbn/

Pinag-usapan pa nga ang tila pag-'fan girling' niya kay VP Leni nang makaharap niya ito sa Pasig sortie ng mga Kakampink, kung saan ibinigay niya ang personalized poster, na ipinapasa na niya umano ang bato ni Darna rito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/22/angel-nag-fan-girling-ipinasa-na-ang-bato-ni-darna-kay-vp-leni/">https://balita.net.ph/2022/03/22/angel-nag-fan-girling-ipinasa-na-ang-bato-ni-darna-kay-vp-leni/