Malaking tulong para sa aktres na si Barbie Imperial ang presensya ng kanyang ina na si Bing Imperial sa pinagdaanan niyang breakup.

Pag-amin ng aktres, ang kanyang ina ang pinaka pinagkakatiwalaan niyang tao. Lahat ng mga break up niya ay inoopen up niya sa mudra niya.

"Lahat naman po ng break up ko, si mama talaga yung nandyan para sa akin... Minsan kapag hindi ko na po talaga kaya ite-text or icha-chat ko siya na "Mama dito ka nalang matulog sa kwarto ko,"" pagkukwento niya.

"Nung nag-break kami ni Diego siguro two weeks na sa kuwarto ko siya natutulog. And palagi niyang ina-advice sa akin na pray lang and nire-remind niya ako na bata pa ako marami pang mangyayari sa life ko... yung pain part kasi siya ng pagiging tao at 'di ka magiging ikaw ngayon kung hindi sa pain na na-experience mo sa past," dagdag pa ng aktres.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Maraming beses na rin siyang pinagagalitan dahil sa mga breakup. Kahit na ganoon, hindi siya naglilihim sa ina dahil tinuturing niya itong bestfriend.

Hindi lamang mga lovelife ang kanilang pinag-uusapan kundi pati ang mga bashers.

"Before sobrang na-aapektuhan po ako. Pero ngayon, sinasabi niya palagi as long as kilala ko yung sarili ko at alam ko na wala akong tinatapakan na tao, ano lang... life goes on," sey ni Barbie.

"Yung mga bashers ano lang yan eh magsasalita at magsasalita lang yan pero as long as alam kung ano yung laman ng heart mo, hindi ka matitibag," dagdag pa niya.

Thankful si Barbie sa kanyang mudra, "Very thankful ako sa mama ko kasi, syempre kapag lumalaki ka na walang tatay parang sobrang lungkot but yung mama ko since day 1 talaga hindi niya talaga ako pinabayaan. Siya talaga yung superhero ko, bestfriend ko... siya lahat. Siya rin yung tatay ko," paglalahad ng aktres.

Gayunman, masaya na ngayon si Barbie sa kanyang buhay.

“Ngayon syempre sobrang happy na talaga ako, finally! Finally after three months ng break up namin. I’m okay na. Happy,” sey niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/01/barbie-imperial-hindi-nakipagbalikan-kay-diego-loyzaga-friends-na-lang-daw/" target="_blank" rel="noreferrer noopener">Barbie Imperial, hindi nakipagbalikan kay Diego Loyzaga; friends na lang daw