Nagbabalik sa music scene ang Kapamilya heartthrob na si Darren Espanto kasunod ng kanyang pinakabagong music single na “Pabalik Sa’yo.”

Inilabas ni Darren ang brand new track sa ilalim ng Universal Music Group nitong Biyernes, Marso 1 sa iba’t ibang music streaming platforms.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Kasabay nito ang visualizer ng kanta sa YouTube na hinangaan agad ang visuals. Agad ding pumatok sa netizens ang kanta dahil sa catchy nitong beat, at relatable na lyrics.

Sa isang Instagram live nitong Huwebes ng gabi, ipinaliwaang ni Darren ang hugot ng kanta. “It really just talks about going back to the person na sinaktan ka na dati pero wala eh, bumabalik at bumalik ka pa rin sa kanya,” saad ni Darren.

Isang fan naman ang nagbiro pa’t tila sinita si Darren sa naturang live. “Akala ko ba tama na?” tanong ng fan sa pagtukoy sa pinakahuling single ng Kapamilya singer na “Tama Na” noong Hunyo 2021.

“Nasa sa’yo ‘yan eh. Kung gusto mo pang bumalik o kung tama na. Desisyon mo na yan,” nakangiting tugon ni Darren.

Naging seryoso naman bigla si Darren sa tanong ng isang Darrenatic na, “Kung mahal mo ba, babalikan mo talaga?”

"Depende rin sa pinagsamahan ninyo. Depende rin sa sakit na naranas niyo sa isa’t isa. Pero minsan talaga may mga taong ‘di nila naiiwasang balikan ang nanakit sa kanila I think that’s a personal choice,” saad ni Darren.

“If the second time around mas matutunan yong mahalin ang isa’t isa in the right way without hurting each other, edi malay mo worth it yong pagbalik mo sa kanya,” dagdag ni Darren.

Hirit pa niya, “An ex is an ex for a reason unless may maganda talagang rason na babalikan mo.”

Isang tanong mula sa mismong producer ng kanta na si Tiny Corpuz ang sinagot din ng Kapamilya singer: “Hand ka bang sumugal kahit na malabo?”

“Para sa pag-ibig lahat naman tayo sumusugal eh. Hindi naman natin alam kung saan talaga siya papunta and it’s part of it. It’s part of the journey,” siguradong sagot ni Darren.

“Yeah, you never know kung ‘di ka naman magta-take ng risk,” pagpupunto ni Darren.

Samantala, umaasa naman si Darren na makapaglalabas siya ng kanyang susunod na album ngayong taon.