Iginiit ng aktres na si Barbie Imperial na hindi sila nagkabalikan ng dating nobyong si Diego Loyzaga.

Sa panibagong episode ng Magandang Buhay nitong Biyernes, Abril 1, sinabi ni Barbie na nakapag-usap sila ni Diego nang makabalik ito mula sa Amerika.

"Okay po kasi kami. Hindi naman po kami magkaaway pero hindi naman po kami nagbalikan. Friends lang, friends... Kulitan lang," ani Barbie nang itanong sa kanya ng mga host ang tungkol sa palitan nila ng comment sa Instagram.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/22/barbie-kay-diego-ako-nga-pala-yung-sinayang-mo-tugon-ni-diego-are-you-sure/"> Barbie kay Diego, ‘Ako nga pala yung sinayang mo…’; Tugon ni Diego, ‘Are you sure?’

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ibinahagi ng aktres ang kanyang pinagdaanan noong nagbreak sila ni Diego matapos ang isang taon na relasyon.

"Ako po parang hinintay ko ng one week, sinolo ko talaga yung break up as in nasa kwarto lang ako, sobrang lungkot ko talaga... Ako kasi alam ko po talaga kapag nasasaktan ako ay mas doble yung sakit para sa nanay ko. So kinimkim ko muna mag-isa, tapos nung medyo kaya ko ng kaunti ay doon ko sinabi kay mama at saka nung sigurado na na break na talaga," saad ni Barbie.

"Pero nung sure na sinabi ko na talaga kay mama," dagdag pa niya nang itinanong kung sinabi niya ba agad sa kanyang ina na hiwalay na sila ng aktor.

Tinanong din sa kanya ni Regine Velasquez, isa sa mga hosts, kung paano siya naka-cope up sa break up.

"Ako po kasi naniniwala talaga ako na yung power ng time na maghi-heal ka talaga. Hindi mo siya kailangang madaliin, darating at darating talaga siya. So patience lang talaga na everyday sasabihin mo sa sarili mo na magiging okay din," anangaktres.

Mukhang naka-move on na at maganda ang lagay ng puso ni Barbie dahil ayon sa kanya, masaya raw siya ngayon.

"Ngayon syempre sobrang happy na talaga ako, finally! Finally after three months ng break up namin. I'm okay na. Happy," sey niya.