Inihayag ng Department of Health (DOH) na tuluy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.

Ito ay nang maitala ng ahensya ang 327 na karagdagang kaso ng sakit nitong Huwebes, Marso 31 kung kaya't naging 3,678,245 na ang kabuuang bilang ng kaso sa Pilipinas.

Sa pinakahuling datos ng ng DOH, aabot na sa 39,315 ang active cases ng Covid-19 bansa.

Ipinaliwanag ng ahensya, nangunguna ang Metro Manila sa may pinakamalaking kaso nito (1,694) na sinundan ng Region 4A (647) at Region 6 (502).

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Sa kabila nito, naitala naman ng DOH ang kabuuang 3,579,681 na indibidwal na nakarekober sa sakit.

Umakyat naman sa 59,249 ang kabuuang bilang ng namatay sa Covid-19, ayon pa sa ahensya.