Emosyonal ngunit matapang na ibinahagi ng kilalang event host na si Bianca Valerio ang isang insidente noong nakaraang taon kung saan isang uninvited guest sa dinaluhang private party ang naging mitsa umano ng kanyang pagiging biktima ng sexual harassment.

“I was sexually assaulted last June 23, 2021, by a certain male individual. He was one of the guests at an intimate private party I was hired to host for,” pagbubulgar ni Bianca Valerio sa kumakalat nang Facebook video nitong Miyerkules, Marso 30.

“Since I didn’t have the app, he taught me how to use it and even gifted me with wallet credits this mobile app is known for,” pagpapatuloy ni Bianca.

Sa paglalarawan niya, isang “cuddly teddy bear” umano ang naturang lalaki na kilala sa kanyang pagiging epektibong PR na saka lang umano nalaman ni Bianca matapos ang insidenteng kinasangkutan.

National

Enrile, 'tinakot' OFWs na sasali sa protestang 'Zero Remittance Week'

“I was only made aware, after he sexually assaulted me, that first, he was never actually invited to the party I hosted,” paglalahad niya.

Sa dahilang ito umano humugot siya ng lakas upang magsalita para sa ilan pang kababaihang naging biktima rin umano ng naturang lalaki na nadiskubre pa niyang may kinahaharap ding kriminal na kaso.

Dagdag na rebelasyon ni Bianca, dahil sa kasalukuyang impluwensya nito bilang kilalang may kaugnayan sa isang kilalang brand, nagagawa pa rin nitong mapalapit sa ilan pang kilalang influencers at maging sa mga celebrity sa entertainment industry.

“I have blamed, tortured and physically harmed myself every single day ever since that night,” naluluhang saad ni Bianca habang itinanggi niyang managot sa “krimen” na ginawa ng salarin sa pang-aabuso.

Kilala sa mundo ng private hosting at brand presenting si Bianca kung saan kabilang ang mga kilalang brands naHermes,Jimmy Choo,Patek Philippe,IWC,Zara,Uniqlo,Barbie,Microsoft,Cathay Pacific,Singapore Tourism Board,BMW,Ferrari,VISA,Zalora,UBER,E! Entertainment,FOX International,Nestlé,Johnson & Johnson,Sofitel,L’Orea ang nagawan na niya ng hosting gigs.

Nagpahayag naman ng pagsisisi si Bianca sa pagtanggap ng offer sa naturang private party kung saan hinayaan lang umano siya ng mga taong nakakakilala sa naturang lalaki na gawin siyang isa sa mga biktima nito.

“The guys fine, forget them. But the women, the women, you know, I’m thinking, ‘Was I expecting too much?’ I mean, I get I’m not their friend, and I am just the talent. Technically, they don’t owe me anything. I really was just an outsider that was left to fend for her life,” pagsasalaysay ni Bianca.

Habang nauunawan ni Bianca kung bakit ang mga biktima ng pang-aabuso ay madalas nanatiling tikom, matapang pa rin siyang naglahad ng kanyang kuwento kahit na ang maaaring kapalit nito ay ang mismong trabaho niya at ang panananaw ng mga tao sa kanya.

“That is just not enough to silence me,” giit ni Bianca.

Matapang na saad pa nito. “My silence strengthens the suffering, my silence helps no one. The only person who benefits from my shame and my silence is him. That ends today.”

Hindi rin pinalampas ng kilalang host ang posibleng pagdududa na makuha niya sa publiko sa pagsasalaysay niya dahil lamang sa pisikal na prente nito suot ang make-up, bukod sa iba pa.

“What is a victim supposed to look like?” tanong ni Bianca.

Dahil sa matapang na paglalahad ng kanyang kuwento sa publiko, umaasa si Bianca na may maisasalba siyang kapwa kababaihan na may parehong kuwentong itinatago lang sa takot. Hinikayat niya rin ang mga ito na matapang na panagutin ang salarin sa mga pang-aabusong ito.

Sa huli, kinilala rin ni Bianca ang naging papel ng kanyang paniniwala sa Diyos para malampasan niya ang madilim na bahagi ng kanyang buhay.

“I claim Women’s Month as ours!”

Hindi naman nilantad ni Bianca ang pagkakakilanlan ng salaring tinawag pa niyang isang "predator."