Isang motorcycle rider ang patay nang mabangga nito ang isang nakaparadang truck sa Tondo, Manila nitong Lunes ng gabi.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Jude de Guzman, 27, at residente ng 269 Osmeña St., Tondo, Manila dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Batay sa ulat ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila Police District (MPD)-Traffic Enforcement Unit, dakong alas-10:40 ng gabi nang maganap ang aksidente sa southbound lane ng Mel Lopez Boulevard, malapit sa kanto ng Chesa St., sa Tondo.

Nakaparada umano sa lugar ang isang tractor head na may trailer na may plate number na NAS- 9463 at minamaneho ni Marvin Bagnol, 38, ng Rodriguez, Rizal, nang bigla na lang umanong salpukin ng Yamaha Mio motorcycle I na minamaneho naman ni de Guzman, ang likurang bahagi nito.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Sa tindi ng impact nang pagkakabangga ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktima na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.