Mariing iginiit ni Manila mayoralty candidate Honey Lacuna na hindi siya 'spare tire' lamang sa kaniyang pagtakbo bilang alkalde ng lungsod. Siya ay kahalili ni Mayor Isko Moreno na tumatakbo naman ngayon sa pampanguluhang halalan.

Ito ang inihayag ng bise alkalde nitong Lunes, matapos ang grand proclamation rally ng kanilang lokal na partidong Asenso Manileño sa Earnshaw St. sa Sampaloc, Maynila nitong Linggo ng gabi na dinaluhan ng libu-libong tagasuporta nila.

Ayon kay Lacuna, na isang doktora, parte siya ng mga polisiya at mga programa na ipinatupad sa siyudad bilang 'presiding officer' ng Sangguniang Panglungsod, at siya ang nanguna sa pagpapasa ng mga mahahalagang ordinansa at polisiya sa pagtugon sa pandemya ng COVID-19.

“Hindi ako naging spare tire kailanman,” pahayag pa ni Lacuna. “Hindi ko ni minsan naramdaman na iba akong tao kasi lagi ko ngang sinasabi na iyong samahan namin ni Yorme ay higit pa sa pulitika, pangalawang pamilya na kami ni Yorme.”

Ipinagmalaki rin niya na mula 2019 hanggang 2021 ay nakapagpasa ang konseho ng 205 ordinansa habang nanguna siya sa pamamahala sa anim na district hospitals sa siyudad sa kapasidad niya bilang doktora.

Pinasalamatan rin naman ni Lacuna si Moreno sa tiwalang ibinigay sa kaniya na humalili sa posisyon.

Anang bise alkalde, hindi naging basehan kay Moreno ang pagiging babae niya dahil sa paniwala nitong ang lahat ng tao ay dapat pantay-pantay.

“Ang aking taos pusong pasasalamat sa ating Punong Lungsod sa iyong pag-alalay at pagkilala sa akin bilang iyong kaagapay at di spare tire lamang,”aniya pa. “Tulad nga ng madalas mong sinasabi, dito sa Maynila, ang lahat ay pantay-pantay. Di naging batayan ang aking pagiging babae.”

Kasamang tumatakbo ni Lacuna si Congressman Yul Servo bilang bise-alkalde.

Samantala, sa panig naman ni Moreno, nagpahayag ito ng kumpiyansang hindi siya mapapahiya kung si Lacuna ang magiging susunod na alkalde ng Maynila.

Nanawagan rin siya sa mga Manilenyo na iparamdam ang kanilang presensya sa buong bansa sa pamamagitan ng pagpapaalam samga positibong pagbabago na naganap sa Maynila.

“Ginagarantiyahan ko kayo, hindi ako mapapahiya kay Honey Lacuna. Makapaglalakad ako sa lahat ng eskinita at sulok ng Maynila na matangos ang ilong ko….maipagmamalaki kong hindi kayo pababayaan ni Honey,” mensahe pa ng alkalde, sa ginanap na grand proclamation rally.

Idinagdag pa niya na. “Gusto nyo ba tuloy-tuloy ang progreso ng lungsod? Gusto n’yo ba na tuloy-tuloy ang pagtaas ng antas ng pamumuhay sa Maynila? Na muli ninyongmaipagmamalaki na ako ay ‘Batang Maynila’? Kayang gawin ‘yan ni Honey Lacuna.”

Ipinagmalaki rin ng alkalde ang kalidad ng bumubuo ng tiket ni Lacuna mula kay Servo hanggang sa mga kandidato sa pagka- Congressmen at Councilor na pawang mga “battle-tested” na hindi sila iniwang dalawa ni Lacuna sa gitna ng pandemya. Katunayan ay sinuportahan pa ang lahat ng kanilang programa para sa benepisyo ng mga residente.

“Kasama natin sila sa giyera, walang umurong, walang nang-iwan. Tapos me dadating dito bigla akala mo “super friends”, biglang magbibida-bida? Wag kayo magpapa-tolongges.Maawa tayo sa ating lungsod na ngayon pa lamang ulit umaangat,” giit ni Moreno.

“Ngayon, pag binigyan nyo ako ng pagkakataon, hanggang dulo sinamahan ninyo ako na isulong ang bansa, tuloy-tuloy na ito, todo-todo na ‘to. Ngayon, bukang-buka na naman ang dibdib ko nawalan na naman ako ng kaba at nakikita ko sa mga mata ninyo, sa mga ngala-ngala at sa mgangiti ninyo, may pag-asa si Isko Moreno!” pahayag pa ng alkalde.

Naluluhang pinasalamatan ni Moreno ang mga Manilenyo sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataonna makapaglingkod bilang mayor sa kabila ng kanyang murang edad. Sinabi rin ni Moreno na sana ay napasaya niyaang mga Manileño sa narating ng lungsod ng Maynila sa ilalim ng kanyang pamamahala. Kinilala at pinasalamatan din niya ang tulong na nakuha niya mula kay Manila Vice Mayor Danny Lacuna na dumalo rin sa nasabing pagtitipon.

Ayon pa sa alkalde ay higit na lumakas ang kanyang pagtitiwalanang makita at masaksihan ang napakaraming taong nagsidalo sa proclamation rally at hiniling niya sa mga ito na ipagkalat ang magagandang pangyayari sa Maynila na nais niya ring gawin sa buong bansa.

“Gisingin ninyo ang diwa ninyo.Kailangan nating dumami. Ngayon, malakas na ulit ang loob ko,” sabi pa ng alkalde.

Samantala ay nanawagan si Moreno sa lahat ng residente na kumbinsihin ang kanilang mga kaibigan, kamag-anak at mahal sa buhay na itapon na ang lumang pulitika athayaang ang bagong dugo ang maupo kung gusto nilang magkaroon ng pagbabago sa bansa.

“Wag kayong magpapa-tolongges sa mga lumang pulitiko sa Maynila. Itinapon nyo na ‘yun. Isinuka nyo na ‘yun.Aso lang ang kumakain ng isinukaniya.Ang mga taga-Maynila ay hindi aso. Pagpahingahin nyo na sila.Bago naman,” sabi pa ni Moreno.

Sa bahagi naman ni Lacuna, tiniyak niya na lahat ng mga proyekto na ginawa ng Moreno-Lacuna tandem saMaynila ay magtutuloy-tuloy tulad ngmass housing, monthly cash aid sa senior citizens, university students, PWDs at solo parents at pati na ang mga tugon sa pandemya tulad ngfood security program, pagbibigay ng gadgets na mayinternet sa mgaestudyante at teaching personnel, free swab tests sa mga taga-Maynila at hindi taga-Maynila at pati na ang pagtatayo ng Manila COVID-19 Field Hospital.