Ipinagdiriwang ngayon ang ika-77 na kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya't may birthday message si presidential aspirant Senador Ping Lacson para sa Pangulo.

"Happy 77th birthday Mr President. I wish you good health and peaceful life after noontime on June 30.," ani Lacson sa kanyang tweet nitong Lunes, Marso 28.

Sa Hunyo 30 ang huling araw ng pagiging Pangulo ni Duterte.

"We may have disagreed on several issues, even called each other out a few times," dagdag pa ng senador. "But I can never forget you were there for me in one of my difficult times in the distant past."

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Ito na rin ang huling pagkakataon na magdiriwang si Duterte ng kanyang kaarawan bilang Pangulo ng Pilipinas habang papalapit na ang halalan sa Mayo 2022.

Si Pangulong Duterte ang ika-16 na presidente ng Republika ng Pilipinas.