Binira ng aktres na si Dexter Doria o mas kilala bilang si Nana Didi sa DidiSerye, si Presidential aspirant Bongbong Marcos Jr. ukol sa mga nakaw na yaman ng pamilya nito na aniya’y dapat nang isauli sa gobyerno ng Pilipinas.

“Pinapalabas ng kanyang propaganda na si Dayunyor daw ay mabait at walang kinalaman sa mga abuso noong Martial Law,” pagsisimula ni Nanay Didi.

Una nang depensa noon ng mga Marcos na 15 taong-gulang lang noon ang batang Marcos Jr. at wala umanong kamuwang-muwang ito noong maupo sa puwesto ang amang si Ferdinand Marcos Sr.

Hindi naman pinalampas ni Nana Didi ang kumalat ding usap-usapan ukol sa umano’y planong pamimigay ng pamilya Marcos ng buwanang P5,000 sa bawat pamilyang Pilipino habang buhay. Ito’y sa kondisyon na dapat munang manalo si Marcos Jr.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

“Unang pagdududa, saan kaya nanggaling yun? Doon ba sa $10B na nakaw sa kaban ng bayan?” ani Nana Didi.

Tinutukoy ng aktres ang pasya ng isang korte sa Amerika na mabayaran ang lahat ng biktima ng Martial Law sa halagang ninakaw ng pamilya Marcos.

“’Yung ibabalik sa atin ay galing din pala sa atin?” saad ni Nana Didi.

“Bakit kailangan pa niyang maging presidente para isauli ang ninakaw ng pamilya niya? Simulan na niyang isauli ang mga ‘yan ngayon na!” sunod pang birada ng aktres.

Hindi rin kumbinsido si Nana Didi na wala umanong kamalay-malay si Marcos Jr. sa mga pangyayari noong Pangulo ang kanyang ama.

Anang aktres, 29 taong-gulang na noon si Marcos Jr. nang mapatalsik ang kanyang ama. Nang makabalik sa Pilipinas, naging congressman, governor at senador pa ito kalaunan.

“Meron bang nakatanggap ng ginto o kaya P5000 a month sa mga taong iyon?”

Hindi rin nakaligtas kay Nana Didi ang hindi pa rin pag-unlad ng baluwarte ng mga Marcos, ang Ilocos Norte, matapos ang ilang taong panunungkulan ni Marcos Jr.

Nananatiling second class province ang nasabing probinsya sa norte hanggang sa kasalukuyang taon.

“Sixty-four years old na siya ngayon at hindi nagsauli ni isang kusing na yaman. At ‘yan ang dahilan kung bakit maraming gusting ma-disqualify siya,” pagbabanggit ng aktres sa disqualification case na inihain sa Commission on Elections (Comelec) laban kay Marcos Jr. na kalauna’y ibinasura ng poll body.

Napa-throwback din si Nana Didi sa pagtukoy noon ni Pangulong Duterte sa isa umanong presidential hopeful na gumagamit ng cocaine at tinawag pa niyang isang “weak” at “spoiled child.”

Matatandaang ilang netizens ang nagsabing si Marcos Jr. ang pinatutungkulan ng kasalukuyang Pangulo.

“Magpapa-uto na naman ba tayo sa isang mambubudol? Iboboto ba natin ang magnanakaw sap era ng Pilipinas?” isang tanong na nagtapos sa naturang episode.