Hayagang ibinalandra ni Eat Bulaga mainstay Maine Mendoza ang kanyang pagsuporta kay Vice Presidential candidate Senador Tito Sotto nitong Lunes, Marso 28.

Sa isang Instagram story, ipinaskil ni Maine sa kanyang halos apat na milyong followers ang campaign ad teaser ni Tito Sen sa pangunguna ng kapatid nitong ni Vic Sotto.

“Si Tito Sotto ang vice president ko. Hindi porke Sotto ako kundi dahil alam ko ang totoo—ang totoong magagawa niya sa gobyerno at sa pamilyang Pilipino. May karanasan, katapatan, [at] kakayahan,” mapapanuod na sinasabi ni Vic Sotto sa 30 segundong bahagi ng political ad sa Instagram story ni Maine.

Kalakip nito ang mga hashtag na #SottoTooLang, at #9SottoforVP.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Screengrab mula Instagram story ni Maine Mendoza

Agad namang nagpasalamat ang anak ng senador na si Ciara Sotto sa actress-host.

“Thank you, my love,” saad ni Ciara sa reposted Instagram story pareho nitong Lunes.

https://twitter.com/menggalurks/status/1508285655310213124