Patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam sa gitna ng nararanasang matinding init ng panahon sa bansa.

Sinabi ng Hydrometeorological Division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bumaba pa ng 39 na centimeter ang lebel ng dam o 191.46 meters nitong Lunes ng umaga.

Ito ay mas mababa kumpara ng lebel ng tubig ng naturang water reservoir na 191.85 meters nitong Linggo.

Binabantayan din ito ng PAGASA dahil sa posibilidad na bumaba pa ito sa critical water level na 180 metro sa susunod na mga araw.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Ang Angat Dam ay nagsu-supply sa 90 porsyento ng pangangailangan sa tubig ng Metro Manila.

Bukod dito, binabantayan din ng PAGASA ang San Roque Dam at Pantabangan Dam sa posibilidad na bumababa ang lebel ng tubig nito ngayong tag-init.