Walang nanalo sa halos ₱50M jackpot ng 6/58 Ultra Lotto nitong Linggo ng gabi.

Ipinaliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 19-42-22-10-02-40 na may jackpot na ₱49,500,000.00 sa isinagawang draw nitong Marso 27.

Bukod dito, wala ring tumama sa draw ng 6/49 Super Lotto na may jackpot na ₱15,840,000.00 sa six-digit na winning combination na 34-10-35-20-49-27.

Binobola ang Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo at habang ang Super Lotto ay binobola kada Martes, Huwebes at Linggo dakong 9:00 ng gabi.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Idinagdag pa ng PCSO na lalo pang tataas ang premyo para sa mga susunod na draw.

Huling napanalunan ang pinakamalaking jackpot na ₱378.7 milyon para sa 6/58 Ultra Lotto noong Nobyembre 26, 2021.