Nasolo ng isang taga-Rizal ang may P31.2 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi.

Batay sa paabiso ng PCSO nitong Linggo ng umaga, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lotto winner ang six-digit winning combination ng Lotto 6/42 na 25-41-35-39-14-26 kaya’t napanalunan nito ang katumbas na jackpot prize na P31,209,194.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, nabili ng lotto winner ang kanyang lucky ticket sa Antipolo City.

Upang makubra naman ang kanyang premyong napanalunan, pinayuhan ni Garma ang masuwerteng mananaya na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang winning ticket, gayundin ang kanyang dalawang balidong ID.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Inanyayahan rin naman ni Garma ang publiko na patuloy na tangkilikin ang lotto at iba pang PCSO games upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Regular Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.