Wala na raw pakialam ang sexy actress na si AJ Raval sa mga isyung ibinabato sa kaniya, sey niya sa isinagawang virtual press conference para sa Vivamax series niyang 'Iskandalo'.

Natanong si AJ kung anong pinakamalala o pinakamalaking iskandalo ang hinarap niya at kung paano niya ito napaglabanan.

“Ako po, hindi literal na scandal na sex video, pero na iskandalo na ko sa mga issues before. Para sa akin po, f*ck them all. Wala na rin po akong pakialam. Wala na 'kong feelings," aniya.

Pinagtatawanan na lamang daw ni AJ ang mga taong walang magawa kundi ang siraan umano siya. Aniya, ineenjoy na lamang niya ito dahil sa trulalu lang, siya rin naman daw ang nakikinabang dahil may tinatahak pa rin naman ang career niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Simula nang mapasabak siya sa Vivamax series na 'Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar' ay umingay na nga pangalan ni AJ, 21 anyos na anak ng action star na si Jeric Raval, hanggang sa hiwalayan nila ng ex-jowang si Axel Torres, hanggang sa ma-link sa hunk actor na si Aljur Abrenica.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/07/aj-raval-at-aljur-abrenica-naispatang-naglalakad-habang-magkahawak-kamay-magkayakap-sa-mall/">https://balita.net.ph/2021/10/07/aj-raval-at-aljur-abrenica-naispatang-naglalakad-habang-magkahawak-kamay-magkayakap-sa-mall/

Nagkaroon pa nga ng pagkakataong nag-social media detox ang aktres dahil sa mga basher, pero makalipas lamang ang ilang linggo ay muli na siyang nagbalik sa socmed world.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/03/aj-raval-balik-ig-na-hindi-nakatiis-sa-social-media-detox/">https://balita.net.ph/2021/11/03/aj-raval-balik-ig-na-hindi-nakatiis-sa-social-media-detox/

Kamakailan lamang, game at cool niyang sinagot ang isang netizen kung kailan daw ba sila magiging opisyal ni Aljur. Aniya, siya na mismo ang magsasabi sa naturang netizen para updated ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/02/aj-oa-daw-ang-bashers-sobrang-cool-lang-kami-ni-aljur-pag-official-na-updated-ka/">https://balita.net.ph/2022/03/02/aj-oa-daw-ang-bashers-sobrang-cool-lang-kami-ni-aljur-pag-official-na-updated-ka/

Samantala, inamin naman ng mismong tatay niya sa isang presscon na nagmamahalan na sila ni Aljur.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/26/aj-at-aljur-nagmamahalan-daw-buking-ni-jeric-nasasaktan-kapag-tinatawag-na-kabit-ang-anak/">https://balita.net.ph/2022/03/26/aj-at-aljur-nagmamahalan-daw-buking-ni-jeric-nasasaktan-kapag-tinatawag-na-kabit-ang-anak/