Lumikas na ang mga residente sa paligid ng Taal Volcano kasunod na rin ng naitalangphreatomagmatic burst ng bulkan nitong Sabado.

Sa pahayag niNational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal, kabilang sa mga nag-evacuate ang mga residente ng limang barangay sa Agoncillo at Laurel sa Batangas na pitong kilometro lamang ang layo sa bulkan

"Ongoing ang evacuation activities po sa Barangay Gulod, Boso-Boso and eastern portion of Bugaan East in Laurel. And initial info from Agoncillo local government unit is 160 families had been evacuated," sabi ni Timbal sa isang television interview.

Nakaranas din ng ashfall ang Brgy. Banyaga at Bilibinwang na kalapit lamang ng Taal Volcano Island.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nagsasagawa pa rin ng paglilikas sa Brgy. Gulod, Boso-Boso at Bugaan East sa Laurel, ayon pa sa NDRRMC.

Bago pa isagawa ang paglilikas, nanawagan na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga residente sa mga natukoy na lugar na lisanin na ang kani-kanilang bahay bunsod na rin ng pag-aalburoto ng bulkan.

Nauna nang itinaas ng Phivolcs sa Level 3 ang alerto ng bulkan dahil sa naitalang magmatic unrest o ang posibilidad na sunud-sunod na pagputok nito.