Sa panibagong teaser na inilabas para sa patok na ABS-CBN Kdrama remake na “The Broken Marriage Vow,” makakamtabal ni Jodi Sta. Maria si Jake Ejercito sa bagong yugto ng istorya nito.

Gaganap sa karakter ni Gabby si Jake sa panibagong pagsisimula sa buhay ni Dr. Jill Ilustre na ginagampanan naman ni Jodi Sta Maria.

Matapos ang masalimuot na pagtataksil ng asawang si David na ginagampanan ni Zanjo Marudo, at ang tuluyang pag-iwan nito sa buhay ni Jill, ang karakter ni Gabby ang susubukang sumagip sa trahedyang kinasangkutan ng doktor.

Sa teaser na inilabas ng ABS-CBN nitong Biyernes, Marso 25, tila agad namang kumagat ang mga tagasubaybay at nahuli ng tambalang Jodi at Jake ang kiliti ng manunuod.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Ilang positibong komento pa ang mababasa sa comment section ng YouTube teaser.

“Exciting. Ganda ng chemistry nila ni Jodi. [emoji]” saad ng isang fan.

“Wow!!! Lalong mag hit ang serie kasi the latest heart throb Jake Ejercito is here!!!”

“May magic si Jodi. Kahit sino ka LT [loveteam] nya bagay sa kanya.”

“May spark ang chemistry nilang dalawa nakakakilig.”

“Galing din ng casting...lakas ng chemistry nila.”

“Kahit sino itambal kay Jodi boom tlga ke huda bagets oldie or lololz bagay parin so stunningly absolutely.”

Mapapanuod ang unang paglabas ni Jake sa serye sa darating na Marso 30.