Nagsalita muli si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa isyung paggamit at pag-awit ng isa sa mga iconic at signature song niya na "Sana'y Wala Nang Wakas." 

Sa isang mahabang Facebook post nitong Huwebes, Marso 24, sinabi niyang pinag-isipan niya munang mabuti kung magpopost pa ba siya dahil bugbog na bugbog na umano ang issue at ayaw na niyang dagdagan pa-- ngunit nagpasya siyang magpost dahil mahalaga sa kanya ang katotohanan.

"I posted about someone singing my song during a campaign sortie that wasn’t one of VP Leni and Kiko’s. I thought that since I said “I only allow Leni-Kiko (people) to sing it (during campaign season is what I meant)”, people would understand why I reacted in such a way," ani Sharon.

Para raw kay Megastar ay para bang minamaliit si Kiko at ang pagtakbo nito bilang bise presidente dahil sa dinami-rami raw ng kanta, bakit kanta pa raw niya ang napili.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Truth is, I felt slighted. Sa akin, parang minamaliit si Kiko at ang pagtakbo niya ng VP. Dahil sa dinami-dami ng kanta, bakit naman kanta ko pa ang napili? Dahil kaya Goliath ang VP candidate niya sa David kong asawa?" saad pa niya.

"Nasaktan ako. Ang pagkakamali ko lang, sana yun mismo ang pinost ko. Pero dinaan ko sa biro at sarcasm, kaya madaming di nakaunawa. Kaya siguro CNN Philippines singled out his performance of my song in an article on CNN Philippines online. I suspect it was because they too, found it a bit “off.” Ngayon lahat na ng masasakit na salita ginagamit sa akin ng ibang tao," ani Megastar.

Matatandaan noong Marso 10, sa pamamagitan ng tweet, ipinahayag ni Mega ang pagkaimbyerna niya sa pag-awit ni Panelo sa nasabing kanta.

“WHY?!!!Tell me WHY?!!! I gotta fight for my song’s rights as well as Willy Cruz’s who wrote it! Cannot be. Di dapat sinisira ang isang classic. Basta TAYO ANG AT MAY ORIG! Oh please WE HAVE NOT ALLOWED YOU TO USE OUR SONG! Please stop. Nakakaawa naman ang kanta namin at nakakahiya,” tweet ni Sharon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/

Gayunman, never daw na ipinagdamot ni Sharon ang mga kanta niya kahit kanino dahil palagi na rin naman na ito ginagamit sa mga party, contest, at mga show. Pero aniya, iba ang dating sa kanya ngayon dahil panahon ng kampanya.

"My song is thirty-six years old. Ilang libo na ang umawit ng kanta ko sa parties, contests, shows. Never ko ipinagdamot ang awit ko kahit kanino. In fact, I feel honored whenever someone chooses it to sing. Siempre, mas madaming may gusto sa kanta mo, mas maligaya ka," sey ni Mega.

"Pero panahon ng kampanya ngayon. Iba ang dating sa akin nung inawit ng politiko na hindi namin kapartido. Ayoko na nga ng politika kaya never akong tumakbo kahit na madami na ang humiling na tumakbo ako for public office since I was in my twenties. Actually, iniisip ko nga kung kailan ako nagdamot ng kahit ano. Wala akong maisip. Mula nung bata ako mas masaya ako sa pagbibigay kesa nagtatago ng puedeng ibigay. Kanta ko pa kaya?" paglalahad nito.

Hindi rin niya alam noon na dahil sa kanyang kanta ay naaalala ng isang tao ang anak nitong special child.

"Hindi ko rin naman alam noon na meron pala siyang special child at siya ang naaalala niya sa awit ko. At balita ko, gagamitin na daw niya ito “to raise awareness on the needs of special children," sey pa niya.

Walang binanggit na pangalan ang Megastar ngunit kamakailan pangalan ni senatorial aspirant Salvador Panelo ang naging matunog sa isyung ito dahil inawit niya ang nasabing kanta ni Sharon sa isang meet-and-greet.

Sinabi ni Panelo, paborito niya ang kanyang iyon dahil naaalala niya ang kanyang anak na si Carlo na mayroong down syndrome. Nahohonor niya umano ang kanyang anak sa tuwing kinakanta ito.

“I’m sorry she feels that way. It’s one of my favorite songs because it reminds me of the great lengths I took to care for my late son, Carlo who had Down Syndrome. I honor him each time I sing the song,” saad ni Panelo sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, Marso 11.

Saad pa ni Panelo, patuloy pa rin niya itong kakantahin at gagamitin para magbigay ng awareness sa mga batang may espesyal na pangangailangan.

“I will continue to sing it, and will now use it to raise awareness for the plight of children with special needs. As the song goes: ‘Kahit ilang awit ay aking aawitin, hanggang ang himig ko’y maging himig mo na rin," aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/11/salvador-panelo-kay-sharon-cuneta-i-will-continue-to-sing-the-song/

Gayunman, natutuwa si Sharon dahil ang kanta raw niya umano ang naging paraan para maisip ang hakbang na iyon-- ang magbigay ng awareness sa mga batang may espesyal na pangangailangan.

Dito na rin niya ibinahagi ang naging karanasan niya sa pagtulong sa mga batang may espesyal na pangangailangan.

"Remember - I have been helping and supporting children with special needs since 1993. I was even named Honorary Chairperson by the Chosen Children Village Foundation. That was where I started and I moved on to other organizations - and individuals - both with special needs and not. At di ko ginawa lahat yon dahil tumatakbo ako for public office," aniya.

Pagbabahagi pa ni Sharon, sa mga ganitong pagkakataon na inaatake ng mga bashers dito lamang malalaman umano kung sino ang tunay na mga kaibigan, aniya, "Ganon lang ako talaga pinalaki ng Daddy at Mommy ko. It is people who don’t know me personally who have been so quick to attack and call me names. Even those whom I thought knew me well enough and loved me have joined their party. But it is during times like these when you find out who your real friends are - those who sincerely care about you and tell you what they think."

Humihingi ng pasensya ang Megastar sa mga taong nasaktan sa kanyang naturang post kamakailan. "So though I stand by my feelings and thoughts on the matter, I would like to apologize for the words I used in my post, and to those I have hurt by them. I should have just said exactly how I was feeling, and in a more respectful manner - no matter what."

Nagso-sorry din siya sa mga Sharmy/Sharonians o mga sumusuporta sa kanya dahil na-disappoint umano niya ang mga ito. Hindi raw kasi siya "plastic."

"I am also so sorry, my Sharmy/Sharonians. I disappointed you. Hindi kasi ako plastic. Bakit nga ba madaming nagsasabing plastic ako eh kaya nga ako natro-trouble sa social media ay kasi wala akong strategy at emotional ako? Even then, mali ako sa pagkakasulat ko sa post ko. Alam niyo, nung araw, dinidibdib at nilulunok ko na lang kasi lahat pag ang feeling ko pagbabangga o pag”kalabit” sa akin in a bad way. Napagod ako, natutong sumagot, lumaban," pagbibigay diin pa niya.

"Lalo na pag pamilya ko ang involved na akala mo kung pagsalitaan kami, para naman nakapatay kami ng tao. But I should check myself and never act immediately when I am highly emotional. Sabi nga, do not make decisions when you are either too angry or too happy. I made a mistake,

"And thinking back, whenever I have made a mistake on social media, it was always a reaction to something said or done against me. I have never started anything negative. I am posting this knowing so many have already decided they would hate me whether I did or said something, or even when I didn’t. That doesn’t matter. What does is that those of you who love me know that this is from my heart. And that I am grateful for you,

"God knows because He sees everything. Again, I am sorry. And how I wish tapos na ang buwan ng Mayo. God bless us all. I love you. Thank you so much for your time."