Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, matatag pa rin ang presyo ng bigas na produksyon ng bansa at gulay, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa isinagawang Laging Handa public briefing na isinahimpapawidnitong Huwebes, binanggit ni DA Spokesman Noel Reyes na asahan pa ang pagtatag ng presyo ng mga ito dahil panahon na ng anihan.
“Panahon po ngayon ng anihan, ang presyo po ng palay ay maganda naman po, nasa disisyete hanggang disi-nuwebe, ang disinuwebe naman po, iyan ang buying price ng National Food Authority at maganda naman po sa karamihan sa atin ang palay," paglalahad nito.
Sa kabila ng kasapatan ng pagkain sa bansa, ipinaliwanag ng opisyal na kinakailangan pa rin ng gobyerno na umangkat ng bigas upang mapanatili umano ang matatag na suplay nito.
"Although gumaganda na ang ani ng ating palay mula pa noong 2019 – umabot na ng 19 million metric tons, naging 19.2 na ngayon ay 19.96 noong last year. So umaangat na po, 92 percent sufficient na po tayo sa bigas kaya lang kulang pa po ng walong porsyento," pagbibigay-diin pa ng opisyal.
PNA