Kamakailan lamang nag-iwan ng matinding ingay ang pambubugbog umano ng aktor na si Kit Thomson sa sexy actress at showbiz starlet na si Ana Jalandoni.

BASAHIN: Sexy starlet Ana Jalandoni, binugbog, ikinulong umano ng jowang si Kit Thompson

Nagtamo ng ilang sugat at pasa sa mukha si Ana sa kamay ng boyfriend at aktor na si Kit Thompson.

nito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ilan lamang si Ana sa dumaraming artistang nakaranas ng karanasan mula sa mga partner nito. Narito naman ang listahan kilalang aktres na matapang na ibinahagi ang madilim na karanasan mula sa mga naging kalaguyo nila.

Maria Teresa Carlson-Fariñas

Ayon kay Women's Legal Education, Advocacy and Defence Foundation (Women's Lead) activist Rowena Legaspi, nabuhay si Maria Teresa Carlson-Fariñas ng 12 taon sa ilalim ng kakila-kilabot, brutal at hindi mailarawang kondisyon sa kamay ng asawa nitong politiko na si Rodolfo Castro Fariñas.

Ang dating television actress at beauty queen ay pinaniniwalaang tumalon sa kanyang kamatayan kahapon ng madaling araw mula sa kanyang penthouse sa 23rd level ng Platinum 2000 apartment complex sa kahabaan ng Annapolis street sa Greenhills, San Juan.

Para sa karamihan, ang kanilang pagsasama ay naging masaya dahil sa mala-modern fairy tale na kasal nila noong 1992. Nabasag ang ilusyong iyon nang iulat ang diumanong pagtakas ni Carlson noong 1996. Sa nangyari, si Carlson ay naging misteryosong tumatawag mula noong 1993 ng isang anti-domestic violence hotline na itinayo ng isang NGO ng kababaihan, ang Kalakasan (Lakas). Ipapakita niya ang kanyang pagkakakilanlan pagkaraan lamang ng dalawang taon.

Sunshine Cruz

Ikinuwento ni Sunshine Cruz ang karanasan nito ng mental abuse at physical assault noong kasal nila ni Cesar Montano. Inakusahan din nito ang aktor na inatake siya nito at ginahasa diumano saktong Mother's Day taong 2013.

Claudine Barretto

Agosto 29, 2013 nang magsampa ang artistang si Claudine Barretto ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women And Their Children Act laban sa dati nitong kasintahan na si Raymart Santiago. Sa sinumpaang salaysay ng aktres, ibinahagi niya ang pananakit na natamo niya diumano mula kay Raymart noong nagsasama pa sila nito.

Inilarawan ni Claudine ang kanyang buhay kasama si Raymart bilang isang mabagsik na siklo ng karahasan, pang-aabuso, at pagsasamantala. Sa loob ng mga taon sa piling ni Raymart, aniya, palagi siyang natatakot at hindi mapalagay ang isip dahil paulit-ulit siya umano nitong inaabuso

Ruffa Gutierrez

Noong Marso 8, 2009, ibinahagi ni Ruffa Gutierrez ang kanyang karanasan bilang inabusong asawa sa palabas sa telebisyon na Rated K. Sa kabila ng pisikal na pananakit sa kanya ng dating asawang si Yilmaz Bektas, inamin ng television personality at dating beauty queen na nagdadalawang-isip siya magsumbong sa pulis dahil nakatira siya sa ibang bansa.

Barbie Imperial

Nag-publish si Barbie Imperial ng mga nakagugulat na litrato ng kanyang bugbog na katawan sa serye na ngayon ay burado nang social media posts. Noong Hulyo 14, 2018, nag-tweet ang aktres na, "Girls, simply because ang isang tao ay mahal niyo ay sinasaktan kayo physically, hindi pwedeng patuloy 'yon. PHYSICALLY, HINDI TAMA MANAKIT NG BABAE."

Ayon naman sa ispekulasyon ng fans ng akres, ang umano'y ex-boyfriend niyang aktro na si Paul Salas ang tinutukoy ng akres na siya umanong sanhi ng mga bugbog na katawan nito.

Sugar Mercado

Humantong sa korte ang hiwalayan ng SexBomb Girls noon na si Sugar Mercado at dati nitong asawa na Chinese businessman na si Kristofer Jay Go, nang sampahan ni Sugar ng reklamong paglabag sa R.A. 9262 si Kristofer. Ayon pa kay Sugar, biktima siya ng paulit-ulit na pisikal at emosyonal na pang-aabuso ng kanyang mister.