Dapat na ipasingil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ₱203 bilyong estate tax ng pamilya Marcos, ayon kay Aksyon Demokratiko chairman Ernest Ramel.
Sa isang television interview nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ni Ramel na magiging malaking tulog ang nasabing buwis ng masisingil ito sa pamilya Marcos.
"Kung halimbawa,suwertehinsi Mayor Isko [Moreno] at siya ang magingano(presidente), lahat ng puwedeng habulin na property nila, eh hahabulin," pahayag nito.
"Sayang 'yan, makapagpatayo sana ng mga ospital 'yan, nakapagpatayo sana ng paaralan 'yan. Marami ano, kaysa naman umutang tayo nang umutang. Hindi na natin alam kung saan tayo kukuha ng pondo, ang dami nating krisis na kinakaharap," dagdag ni Ramel.
"Ang tanong natin, may pagkakataon bang makolekta? Sana. Lagi namang nasa political will 'yan.Baka naman mas maganda na 'yung ating Pangulo na mismo angmaghimok, 'BIR kolektahin mo na 'yan.' At kung mayroon namang paraan, may mga properties diyan na hindi naman under sequestration, nanandiyanlang napuwedenating habulin," paliwanag pa nito.