Usap-usapan ng netizens ang inilabas na TikTok video ni Ciara Sotto noong Lunes, Marso 21, na kung saan ay nakasuot ito ng green na damit na may nakasulat na "CIARA ALL."

Sa comment section ng uploaded video, puro ispekulasyon ng netizens ang nakalagay na sinusuportahan nito ang vice presidential bid ni Davao Mayor Sara Duterte kahit na ang katunggali nito ay ang ama nitong si Senate President Vicente "Tito" Sotto III.

Naglalaman rin ng "green heart" at "peace sign" emojis ang caption ni Ciara na siya lalong nagbigay ng animo'y "clue" sa netizens.

"Clues from Ciara Sotto: 1. May Peace Sign na emoji, 2. Green Shirt, 3. Ciara All, 4. Green Heart Emoji. What else? She's literally spilling the tea," ani ng isang netizen.

National

Rep. Cendaña sa pag-endorso ng impeachment: ‘Isara na ang bangungot na dulot ni Sara!’

Ayon pa sa isang netizen, animo'y totoo ang "chismis" na nagsanib pwersa umano ang UniTeam na kinabibilangan ng former Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. - Duterte tandem at team ni presidential aspirant Sen. Ping Lacson-Sotto.

Bagama't matunog ang chismis na Duterte supporter si Ciara, wala pa itong opisyal na pahayag ng pagsuporta sa vp bid nito.

Inilagay rin ni Ciara ang #justforlaughs, #justforfun, #wagniyoakoseryosohin, #ganunnamanpalagi sa caption ng video.

Ngunit sa Instagram post ni Ciara sinabi nitong "my vice-president" niya si Sotto at iginiit ang hashtag na #LacsonSottoTayo.

"Happy CIA-Turday guys! Watch my president- @iampinglacson Ping Lacson and (my Vice-president) my Daddy in this super special and fun vlog with @iam_iwa ! Go to my YouTube Channel now and find out their secrets #LacsonSottoTayo Link in my bio," caption ni Ciara sa kanyang IG post noong Marso 20.

Matatandaan na sa huling vice-presidential survey ng Pulse Asia na inilabas noong Marso 14, nangunguna si Duterte na may 53% at sinundan naman ito ni Sotto na may 24%.