Viral ngayon sa social media ang isang security guard sa Tacloban City matapos mamataang matiyaga nitong tinatapos ang isang architectural plate habang binubuno ang kanyang night duty sa isang gusali sa lungsod.

Ibinahagi ng netizen na si Cristina Sofia Frencil ang larawan ng sekyu na agad na umani ng atensyon sa social media.

“Late at night by 10:00 pm, my sister saw him doing his plates while guarding New Glory Glass Supply (in front of The one), she told us about it. Since my brother is an Architecture graduate and is now a contractor on the establishment next to The One Bar,” ani Cristina sa kanyang Facebook post.

“He approached Kuya guard and commended his passion for learning. Despite standing up from time to time, having a lamp that barely lights up his tracing paper, and zooming in on his cellphone to see what he's going to do, he manages to stay motivated,” pagpapatuloy ng netizen.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Napag-alaman din na isang third year Architecture student sa Eastern Visayas State University (EVSU) ang nasabing security guard.

Ilang netizens naman ang na-inspire sa kasipagan at dedikasyon ng sekyu na pagsabayin ang pag-aaral at kanyang trabaho.