Nagpapasalamat si Anthony “Ka Tunying” Taberna sa isa na namang “new birthday” ng anak na si Zoey sa patuloy na pakikipaglaban nito sa sakit na leukemia.

Sa magkahiwalay na Facebook posts ni Ka Tunying at kanyang asawa na si Rossel Velasco Taberna, parehong nagpahayag ng kanilang taus-pusong pasasalamat ang mag-asawa sa “panibagong pag-asa."

“Salamat sa inyong pagmamahal sa isa't isa bilang magkapatid Zoey and Helga. Salamat, Mommy Sel. Salamat sa lahat ng kasama namin na nananalangin. Salamat sa Namamahala. Salamat sa Panginoong Jesus. Higit sa lahat, salamat po Ama. Hindi pa tapos ang laban kaya hindi pa rin po kami magsasawang makiusap, magtiwala at sumampalataya. Zoey, bilib kami sayo. Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday (NEW birthday) sa iyo, Anak,” saad ni Ka Tunying sa isang Facebook post nitong Martes, Marso 22.

Pinasalamatan din ni Rossel ang lahat ng mga patuloy na nanalangin para sa agad na paggaling ni Zoey.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Maraming salamat po sa lahat ng nananalangin para sa aming pamilya lalo na sa aming mga Anak.? Damang- dama po namin ang inyong malasakit at pagmamahal.❤️ Napakarami na po naming pinagdaanan at simula pa lamang po ito ng panibagong pagasa.? Salamat! Maraming salamat!?” mababasa sa Facebook post ni Rossel.

Si Zoey ang panganay na anak nina Ka Tunying at Rossel.