Kinumpirma na nga ni Kapamilya actress Angelica Panganiban ang mga bulung-bulungan na kaya raw siya biglang kumambyo bilang leading lady ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual sa 'sweetcom' na 'My Papa Pi' ay dahil buntis na raw ito sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/20/magiging-ganap-na-ina-na-po-ako-angelica-kinumpirma-ang-pregnancy-rumors/

“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay, at pinaka-importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako, [emojis]” mababasa sa Instagram post ni Angge kung saan makikita rin ang larawan at video ng kanyang ultrasound.

“Opo, may matres ako mga baklaaah! Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ‘ko kaiyaq pramis,” pagpapatuloy pa ni Angge.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Agad na nagpaabot ng pagbati ang malalapit na kaibigan at kasamahan sa showbiz ng aktres, ngunit mas ikinatuwa ng mga netizen ang reaksyon at komento ni Kapuso TV host at actress na si Camille Prats, na dating Kapamilya actress, child star, at kapatid naman ni John Prats na isa sa mga malalapit kay Angge.

“Siiisss naiyak ako!!! Napakasaya ng puso ko para sayo at kay Greg. So excited for you sis!! Congratulations for such a beautiful blessing!” saad ng actress-host.

Screengrab mula sa IG/Angelica Panganiban

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"OMG!!!! Magkaka-baby na rin si Becky. Congratulations po."

"@camilleprats wowed so sweet @iamangelicap so happy for you Ms. Angelica nasubaybayan ko paglaki mo at pinanood ko halos lahat ng movies n'yo ni Ms. Camille. Ang cute n'yo n'yo tlga you still sweet to each other as a friends."

"Beckyyyyy… hindi ka beki…"

"@camilleprats idol ko kayo dalawa miss Camille bata pa Lang ako, I'm very much happy for Miss Angelica too."

"Princess Sara, my childhood idol, at si Becky!"

Matatandaang nagkasama sina Camille at Angelica sa iconic movie na 'Sarah: Ang Munting Prinsesa' ng Star Cinema noong 1995, kung saan si Camille ang gumanap bilang Princess Sarah Crow at si Angelica naman ang gumanap bilang ang batang kasambahay na si Becky, na siyang naging kaibigan ni Sarah, na minamaltrato naman ni Miss Minchin played by Jean Garcia.

iWantTFC on Twitter:
Camille Prats at Angelica Panganiban (Screengrab mula sa iWantTV)

Noong 1997 naman, nagkaroon ulit sila ng pelikula na pinamagatang 'Ang Pulubi at ang Prinsesa' subalit nagkabaligtad naman ang mga role nila: si Angelica ang mayaman at si Camille naman ang pulubi.

Nagkasama rin sila sa youth-oriented show na 'G-Mik'. Nagkahiwalay sila ng network nang maging Kapuso si Camille noong 2004 hanggang sa kasalukuyan.

Ikinasal si Camille sa kaniyang unang mister na si Anthony Linsangan noong 2008, at nagkaanak sila na pinangalanang 'Nathaniel Caesar'. Sa hindi inaasahang pagkakataon, namatay si Anthony sa gulang na 31 dahil sa sakit na nasopharyngeal carcinoma.

Muling nagkaroon ng karelasyon si Camille, at ito ay ang negosyanteng si John Yambao. Ikinasal sila noong Enero 7, 2017.

Si Gregg naman ang huling jowa ni Angge na siyang ama ngayon ng kaniyang dinadala. Nakarelasyon ni Angelica ang mga aktor na sina Carlo Aquino, Derek Ramsay, at John Lloyd Cruz.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pag-amin ni Angelica sa kaniyang naging Tinder date sa podcast ng kaibigang direktor na si 'Antoinette Jadaone', na siyang nagdirehe naman ng digital series na 'The Kangks Show' na nag-number 1 sa WeTV.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/16/angelica-windang-sa-ka-tinder-date-abroad-natakot-sa-nakitang-malaki/