Umabot maging sa sikat na American pop superstar na si Ariana Grande ang naging grand campaign rally nina Presidential candidate at Vice President Leni Robredo at Vice Presidential aspirant Sen. Kiko Pangilinan sa Pasig City noong Linggo, Marso 20.

Sa kanyang Instagram story nitong Lunes, Marso 21, ibinahagi ng two-time Grammy-winning singer-songwriter ang bahagi ng pre-program ng rally kung saan makikita sa isang video ang sabay-sabay na pagkanta ng Kakampinks ng kanyang 2014 hit song na “Break Free.”

“This is the part when I say I don't want ya. I'm stronger than I've been before. This is the part when I break free. 'Cause I can't resist it no more,” pag-awit ng libu-libong Kakampinks sa video na ibinahagi ni Ariana sa kanyang IG story.

“I could not believe this was real,” mababasa sa caption ng popstar.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Screengrab mula sa Instagram story ni Ariana Grande

“I love you more than words,” saad pa nito.

Sa pagtataya ng Pasig PNP, tinatayang higit 90,000 Kakampinks ang dumalo sa Pasig leg ng sortie ng Leni-Kiko tandem.

Basahin: ‘Krusada’ ng Kakampinks, pinayanig ang campaign rally ng Leni-Kiko tandem sa Pasig – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid