Sabay na napanalunan ng dalawang mapalad na mananaya ang  ₱79.6M na jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 at  ₱67.8M jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na magkasunod na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo ng gabi.

Sa isang paabiso nitong Lunes, sinabi ni PCSO Vice Chairperson Royina Garma na isang masuwerteng bettor mula sa Maynila ang nagwagi ng  ₱79,699,584.80 matapos na mahulaan ang six-digit winning combinations na 29-05-03-11-08-42 ng Ultra Lotto 6/58.

Samantala, isang mapalad na mananaya na mula naman sa Legazpi City, Albay ang nakahula sa winning combination na 09-04-06-17-12-02 ng Super Lotto 6/49 kaya’t naiuwi nito ang katumbas nitong premyo na  ₱67,803,235.40.

Upang makuha ang kanilang premyo, pinayuhan ni Garma ang mga lucky winners na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanilang winning tickets at dalawang valid IDs.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Hinikayat rin niya ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga palaro ng PCSO partikular na ang lotto upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo, ay makatulong pa sa mga mamamayang nangangailangan.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binubola tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang Super Lotto 6/49 ay binubola naman tuwing Martes, Huwebes at Linggo.