Katiting lang ang ₱200 na buwanang ayuda sa mahihirap na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ito ang pahayag ng halos lahat ng kandidato sa pagka-bise presidente sa May 9, 2022 National elections na dumalo sa PiliPinas Debates 2022 nitong Linggo ng gabi.
"I must admit, totoong malaki ang problema natin sa fuel at 'yung₱200 na ibinibigay, mas malaki pa ang ibinibigaysa Quezon City,₱1,000," ayon kay Senate President Vicente Sotto III.
Isinusulong din nito ang pagtaas ng sahod o minimum wage na₱1,000 para sa mga manggagawa sa Metro Manila, at₱600 hanggang₱800 naman para sa mga manggagawa sa probinsya.
"I agree also that excise tax should be suspended. Tama po 'yon at siguro dapat bigyan natin, 'yung sa minimum wage na pinag-uusapan, dagdagan natin, gawin nating ₱1,000 ang minimum wage sa NCR sa mga kababayan natin; ₱600 to ₱800 sa mga probinsya, depende sa kung ano sabihin ng wage board, pero 'yung mga employers siguradong medyo may papalag, eh di bigyan natin ng tax breaks," sabi pa nito.
Ang pahayag ni Sotto ay sinuportahan din nina Atty. Carlos “Kuya Charlie” Serapio, Dr. Willie Ong, Emmanuel “Manny” SD. Lopez, Rizalito David, Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, at Walden Bello.