Si Jolina Magdangal ang pinakahuling artista sa showbiz industry na nabiyayaan ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ng isang mamahaling sapatos.

Kilala si Songbird sa kanyang interes sa pangongolekta ng mga mamahaling sapatos. Dahil sa dami na ng mga naipong gamit, kadalasa’y ipinamimigay na lang din ito ng singer sa kapwa niya artista.

Kamakailan nga ay si Jolina ang masuwerteng nakapag-uwi ng isang luxury shoewear mula kay Songbird. Matatandaang magkatrabaho ngayon ang dalawa sa morning show na “Magandang Buhay.”

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Jolens ang naging “moment” niya nang ipasukat ni Regine ang sapatos.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Nung isang araw, pasuot na sya ng napaka ganda nyang sapatos, biglang sabi nya sakin.. ‘sukat mo nga Jolens.’ Bigla akong kinabahan, kaya dinahan-dahan ko ang pagsuot ng sapatos na parang nung sinusuot yung Glass Shoes ni Cinderella, at ang naiisip ko, “Ito na yata ang moment ko,’” pagbabahagi ni Jolina sa isang Facebook post.

Nung una’y hindi umasa si Jolina dahil nasa 4 and a half lang ang size ng kanyang paa habang nasa 6 na si Regine. Kaya naman natuwa ang singer nang magkasya ang sapatos sa kanya.

“KUMASYA!!!!!!! Fit na fit!!!!!! At narinig ko nga ang matamis na, ‘Sige sayo na’. Muntik ako mapakanta ng ‘This is The Moment’ ni Erik Santos,” nakakaalis na salaysay ni Jolina.

Pinasalamatan naman nito ang kapwa host at tinawag na Fairy Godmother na si Regine.

“To my Fairy Godmother (at Fairy Godmother ng karamihan) Ate @reginevalcasid , Maraming salamat!!! Di ako makapaniwala na may nagkasya sa ‘kin na shoes mo kaya nilagay ko sya sa side table ko. Hahahahaha! I love you Ate!!!???” saad ni Jolina.

Ilang fans naman ang namangha sa larawan ng sapatos na ibinahagi ni Jolina. Super classy at expensive-looking nga raw ito saad pa ng isang netizen.

Sa isang online shopping store, makukumpirmang ang sapatos ay isang Dolce & Gabanna Clear Silver Cinderella Glass Slipper Heels Pumps. Tinatayang aabot sa $1,352.30 o nasa P67,615 ang presyo ng sapatos pa lang. Kung isasama sa halaga ang shipping fee, halos P100,000 naman ang kabuuang halaga nito.

Dolce & Gabanna Clear Silver Cinderella Glass Slipper Heels Pumps

Isa lang ito sa mga patunay na talagang galante nga si Songbird sa kanyang kapwa artista.