Halos pitong buwan matapos lumipad ng Amerika si Lj Reyes kasama ang mga anak na si Aki at Summer, muli itong nagbahagi ng isang family vlog bilang pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng suporta at pagmamahal sa kanyang pamilya.

Nagbabalik sa vlogging si Lj sa isang YouTube content na ibinahagi nito noong Miyerkules, Maro 17. Tampok sa halos siyam na minutong video ang naging pamumuhay nilang mag-iina sa New York City sa Amerika.

“‘Kamusta ka?’ Ito na yata ang lagi kong naririnig na tanong sa lumipas na 6 na buwan. Ramdam ko ang pagmamahal at suporta nyo sa akin at sa mga anak ko kaya naman gustong ibahagi sa inyo kung gaano kaganda ang buhay sa mga nakaraang buwan.Sana ay maramdaman nyo ang taos-puso naming pasasalamat sa munting handog namin na pagbabahagi ng aming simpleng buhay,” mababasa sa description ni Lj sa kanyang YouTube content.

Tila mabilis naman na nakapag-adjust ang dalawang chikiting ni Lj kung saan ipinasilip ng celebrity mom ang ilang outdoor adventures ni Aki at Summer.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Isang nakakantig na usapan naman ni Summer at ng kanyang mommy ang ikinatuwa ng netizens.

“Do you know what we’re celebrating tomorrow?” tanong ni Lj sa cute na cute na bunsong si Summer isang araw bago ang Thanksgiving 2021.

“Mommy,” nakangiting sagot ni Summer na ikinakilig ni Lj.

“Tomorrow is Thanksgiving. And we celebrate things that we are thankful for or people that we are thankful for,” paliwanag ni Lj habang cute na cute namang nakikinig si Summer.

“Who are you thankful for?” sunod na tanong ni Lj.

“Mommy,” siguradong sagot ni Summer. Agad na tugon ni Lj, “You’re so sweet love. I’m thankful for you and Aki.”

Tila binasag naman agad ni Summer ang pag-eemote ng kanyang mommy. “Yeah. And then you’re gonna cry again,” biglang sabi nito kay Lj na nagpatawa sa celebrity mom.

Samantala, ilang netizens din ang nag-paabot ng magagandang komento sa muling pagbabahagi ni Lj ng kanyang pamilya sa isang YouTube vlog.

“This vlog is so special how your kids grown by you alone raising your kids is so amazing and the healing process plus a mother of 2 adorable kids is a blessing keep on vloging Lj. My heart goes to u and the kiddos especially kua aki and Sumner ganda,” komento ng isnag netizen.

“Hangang-hanga po ako sayo Ate Lj!! Nagrereflect lahat ng kabutihan mo sa naging character and attitude ni Summer at Aki. Fight lang po!! We're are always here to support you!!”

“Ang galing mo maging mom Ms. LJ. You’re very inspiring. Iba talaga ang pagmamahal ni God sa ating mga ina kaya wala ding katulad ang pagmamahal natin sa ating mga anak. God bless your family!️ Thank you for sharing this wonderful video. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo sa mga anak mo.”

"Salute to all single moms who nurture their children to grow into God-fearing kind humans. Hats off Mommy LJ!"

"Nakakaiyak yung last part. You are amazing Ms. LJ for being strong for your kiddos. Keep it up sila ang totoong blessings mo sa buhay. Ganda ni summer at ampogi ni Aki."

Mababasa sa huling bahagi ng vlog ang pahayag na, “Kaya ko dahil kayo ang lakas ko,” na sinundan ng mga larawan ni Aki at Summer.

Matatandaang Agosto 2021 nang umalis ng Pilipinas si Lj matapos ang kontrobersyal na hiwalayaan nila ng live-in partner na si Paolo Contis.