Nasamsam ng pulisya ang nasa P630,000 halaga ng marijuana mula sa apat na indibidwal sa isang buy-bust operation sa Port Area sa Maynila noong Biyernes, Marso 18.

Kinilala ang mga suspek na sina Ryean Espinosa, 18; Robin Diaz, 24; Frances Jude Delmo, 26; at John Ferry Bayrante, 24, pawang mga residente ng Port Area.

Batay sa ulat ni Police Lt Roberto Medrano Jr ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), dakong alas-7:30 ng gabi nang isagawa ang operasyon. sa Blk. 9 Tambakan, Baseco Compound, Brgy. 649 sa Port Area.

Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek ang mga pinatuyong halamang marijuana sa anyong ladrilyo at mga plastic sachet na tinatayang may timbang na P5,250 gramo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P630,000, ayon sa ulat ng pulisya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Terrence Ranis